Advertisers

Advertisers

Andi sinupalpal ang basher na pinakialaman ang pagse- surf ng anak na si Lilo

0 18

Advertisers

Ni Jovi Lloza

NABANAS si Andi Eigenmann sa isang post sa kanyang socmed na tila nag-a-advise o nangangaral sa celebrity mom.

May post kasi si Andi sa sariling socmed account ng larawan ng kanyang anak na si Lilo.
Sa larawan na ibinahagi ni Andi ay di ito sa nakaligtas sa mata ng nerizen.



May isang netizen na napa-comment sa larawan na ibinahagi na nagsa-surf si Lilo.

Sey ng netizen na huwag nga raw puro surf ang anak kungdi i enroll niya ito sa eskuwelahan.

Di pinaligtas ni Andi ang komento na ‘yun ng netizen.

Sinupalpal nga ni Andi ang netizen na nag comment.

Ani pa nito na nag-aaral ang kanyang anak na si Lilo kahit na nagse-surf ito.



Pagmamakaki ni Andi na both na nag-e-excel ang kanyang anak na si Lilo sa study at surf.

***

FEELINGERANG froggie itong isa sa contestant ng Pinoy version na RuPaups Drag Race.

Bakit ang kalahok sa Drag Race na si Angel ay bentang benta ang biruan kasama ang Sagrado star na si Kyle Echari.

Starstruck pa nga raw ai Angel sa mala halimaw na performance ni Kyle.

Mas lalong kinilig ang contestant na si Angel na mismong si Kyle pa nga raw ang naghatid sa kanya palabas ng stage.

Kaya datingan kay Angel ay nabuhay nito ang notrelya ng aktor.

Ang host ng Pinoy version na Drag Race na si Paulo Ballesteros ay may nakarating na pink nips ito.

Agad namang inamin ni Kyle na true ‘yun at ayaw maniwala si Paulo kaya hinamon si Kyle na patunayan.

Kinagat ni Kyle ang hamon at itinaas nito ang kanya sando at gulat ang lahat lalo na si Paulo sa pink nipple ni Kyle.