‘Dear Satan’ movie, bawal pa ring ipalabas sa pagtalakay sa relihiyon; Mamay story ipalalabas sa mga iskul
Advertisers
Ni Wendell Alvarez
TAGUMPAY ang katatapos lang na premiere night ng pelikulang Mamay: A Journey To Greatness, The Marcos Mamay Story na ginanap sa Cinema 1 ng SM Megamall nung Agosto 27.
Pinagbibidahan ito nina Jeric Raval (as Marcos Mamay,) Ara Mina (as wife Cathy) at Teejay Marquez na gumanap bilang batang Marcos.
Kasama rin sa pelikula sina Polo Ravales, Victor Neri, Julio Diaz, Baby Go, Devon Seron, Shiela Delgado, Tonz Lander Are, John Arcenas at iba pa sa direksyon ni Neal Buboy Tan under Mamay Production.
Mapapanood sa biopic na hindi hadlang ang kahirapan para makapagtapos ng pag-aaral at maabot ang pangarap sa buhay lalo na maging Alkalde ng Nunungan, Lanao del Norte.
Aniya, “The movie highlights the hardships, trials, and ultimate triumphs that shaped my journey. Having experienced the challenges of poverty firsthand, my dedication to uplifting the lives of my constituents shines through, serving as a powerful testament to the impact of hard work and determination.”
Umaasa si Mayor Mamay na magsilbing inspirasyon sa mga kabataan ang kanyang life story.
“This is a very inspiring movie. I want people, especially those who belong to the marginalized sector, to know that there is always hope and opportunities to reach your dreams if you focus all your energies on it.”
Malapit sa puso ni Mayor Mamay ang showbiz industry kung saan isa siyang adviser ng Actors Guild of the Philippines, kaya naisipan niya’ng gawin ang sarili niyang istorya para makatulong sa samahan at industria, na isama niya ang mga artistang hindi na masyadong visible tulad nina Sabrina M at Via Veloso.
Hindi makalimutan ni Jeric as Mamay ang mga masalimuot na pinagdaanan ng nasabing alkalde, kaya naman na inspired siya nang mabasa niya ang script.
Sinabi naman ni Ara Mina as Cathy, gulat na gulat siya nang makita ang nasabing bayan ng Nunungan, na hindi niya inaasahan na ganuon pala kaganda at bilib siya sa pamamahala ng alkalde.
Ang pelikulang Mamay: A Journey To Greatness ‘The Marcos Mamay Story’ ay nabigyan ng PG (Parental Guidance) rating ng MTRCB. Nakatakda rin itong ipalabas sa mga schools sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd).
***
NANINDIGAN sa ikalawang pagkakataon ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa una nitong desisyon na bigyan ng X rating ang pelikulang “Dear Santa” na dating “Dear Satan” ang pamagat.
Nilinaw ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio na ang Committee system ang siyang masusing nagrerebyu ng mga pelikula.
Iginiit niyang kaisa lagi ang ahensya para sa pangkalahatang tagumpay ng industriya ng pelikula at telebisyon ayon sa mga umiiral na mga batas sa bansa.