Advertisers

Advertisers

Mabilis, Maayos, Maginhawa at Masayang serbisyo publiko

0 15

Advertisers

ISA ang CONGRESS FILES sa mga nakasaksi sa mga aktibidad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF), ang serbisyo fair na layong magtungo sa mga lalawigan sa bansa upang ilapit ang tulong ng gobyerno ng “Mabilis, Maayos, Maginhawa at Masayang serbisyo publiko.”

Bilang ka-bahagi ng fourth estate ang media, tungkulin ko na ipaabot o ipaalam sa ating mga kababayan ang magandang serbisyo ng ating gobyerno para sa mga Filipino.

‘Wag tayong puro angal sa gobyerno na walang ginagawa, puro mamimintas, puro kantiyaw, puro pagpula, puro pagbatikos…. ‘Wag ganon! Sa halip, magpasalamat tayo sa pagpupursige ng ating gobyerno na mai-angat ang kabuhayan ng baat Filipino.



Ang sabi nga ni Speaker Martin Romualdez, kailangan nang itayo ang mga Serbisyo at Tulong Center sa bawat lalawigan sa Pilipinas direkta sa tao dahil ito ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ating mga kababayan.

Kaya naman sa loob lamang ng isang taon mula nang ilunsad ang BPSF, mahigit na P10 bilyon halaga ng tulong ang naipagkaloob sa mahigit 2.5 milyong pamilya sa naunang 21 pagbisita ng programa sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.

Sa ilalim ng pamumuno ng administrasyong Marcos Jr. at pinagtibay na suporta rito ng House of Representatives magpapatuloy ang programa upang mapuntahan ang lahat ng lalawigan sa buong bansa.

Nito lamang nakaraang Linggo sa Davao City, ang maituturing na balwarte ni dating Pangulong Rodrigo Duterte idinaos ang ika-23 sigwada ng BPSF serbisyo caravan. Naisakatuparan sa bahaging ito ng Mindanao sa pagtutulungan ng BPSF National Secretariat at Mindanao Development Authority.

Naging posible rin ang pagbuo ng Davao City BPSF sa tulong at kooperasyon nina Dumper partylist Rep. Diana Bautista Lim, PBA partylist Rep. Margarita Nograles, Marino partylist Rep. Sandro Gonzales at Tingog partylist Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre.



Mahigit P1.2 bilyong halaga ng mga programa, serbisyo at cash assistance na hatid ng pamahalaan ang ipinagkaloob sa mga residente ng Davao City at mga kalapit na lugar. Ito ang pinakamalaking serbisyo caravan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang sabi ni Speaker Martin Romualdez bahagi pa rin ng BPSF ang patuloy na payout sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP ng Department of Social Welfare and Development sa buong lungsod ng Davao.

Bukod dito, magkakaroon din ng payout para sa mga benepisaryo ng Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantage/Displaced Workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment.

Dagdag pa ng Speaker, mamamahagi rin ng kalahating milyong kilo ng bigas sa lahat ng benepisaaryo sa araw ng event na ginanap sa Southeastern University sa lungsod.

Sa BPSF, kabilang ang Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) Program, ang Integrated Scholarships and Incentives for the Youth (ISIP) Program, at ang Start-Up, Investments, Business Opportunities, and Livelihood (SIBOL) Program.

Sa Lipa City, Batangas, pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang pay-out ng tulong pinansyal sa 34,000 benepisaryo sa lalawigan.

Sa CARD program, nakapag-distribute ito sa 3,000 Batangas beneficiaries na nakatanggap ng P5,000 each sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), kasama ang 20 kilograms ng bigas.

Ipinaliwanag ni Speaker Romualdez na ang CARD program ay naka-designed upang suportahan ang vulnerable Filipinos na makapagbibigay sa kanila ng affordable access to essential resources, habang kinokontra ang pagtatago at pagmamanipula sa presyo ng naka-imbak na bigas.

Sa ilalim naman ng ISIP Program, kabuuang 3,000 estudyante ang binigyan ng tig-P5,000 tulong mula sa AKAP at dagdag na tig-limang kilong bigas. Ginawa ang pamimigay ng ayuda sa Lipa Academy of Sports, Culture and Arts (LASCA).

Makatatanggap ang mga benepisaryo ng tig-P5,000 ayuda kada anim na buwan upang makatulong sa kanilang gastusin sa pag-aaral. Ang mga benepisyaryo na makapapasok sa Tulong Dunong Program (TDP) ng Commission on Higher and Technical Education (CHED) ay makakukuha rin ng P15,000 scholarship assistance kada taon.

Bibigyan din sila ng alokasyon sa Government Internship Program (GIP) matapos ang kanilang graduation. Kung walang trabaho ang kanilang mga magulang o guardian, isasama sila sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment’s (DOLE).

Ang sabi ni Finance chief Recto si Speaker Romualdez ang ‘secret weapon’ ni PBBM sa BPSF hindi lamang sa Batangas kundi sa lahat ng lalawigan sa bansa.

“Nandito ang liderato ng Kongreso, partner ng Pangulo, first cousin ng Pangulo, at taga-isip ng programang tulad nito. Siya ang dahilan kung bakit tayo may [BPSF],” sabi ni Recto, tubong Batangas na dating senator at congressman nang ipakilala niya si Speaker Romualdez.

“Kailan ba kayo nakakita ng Speaker na bumisita sa lalawigan ng Batangas? Nagbigay ng panahon. Ang taong ito, haligi ng BBM administration. Secret weapon ng ating Pangulo. “Kaya kung maganda ang takbo ng PBBM administration, ‘yan ay dahil din sa taong ipakikilala ko sa inyo,” dagdag pa ni Recto, na tumutukoy sa leader of the 300-plus-strong House of Representatives.

ito ang first of the two-day ng BPSF a Batangas, nag- rollout of P563-million worth of government services and financial aid to over 60,000 Batangueños.

Ang sabi ni Speaker Romualdez naka-desenyo ang CARD program upang suportahan ang vulnerable Filipinos sa pamamahgitan ng pagbibigay ng abot-kayang halaga sa mga pangunahing bilihin, para kontrahin ang pagtatago at pagmamanipula sa presyo ng bigas.

Sa ilalim naman ng ISIP Program, kabuuang 3,000 estudyante ang binigyan ng tig-P5,000 tulong mula sa AKAP at dagdag na tig-limang kilong bigas.

Makatatanggap din ang mga benepisyaryo ng tig-P5,000 ayuda kada anim na buwan upang makatulong sa kanilang gastusin sa pag-aaral. Ang mga benepisyaryo na makapapasok sa Tulong Dunong Program (TDP) ng Commission on Higher and Technical Education (CHED) ay makakukuha rin ng P15,000 scholarship assistance kada taon.

Bibighyan din sila ng alokasyon sa Government Internship Program (GIP) matapos ang kanilang graduation. Kung walang trabaho ang kanilang mga magulang o guardian ang mga ito ay sasama sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment’s (DOLE).

“Sabi nga po ni Pangulong Marcos, no one should be left behind. Kaya itong mga programang ito ay ipinapatupad natin para maabot ang lahat ng kababayan nating nangangailangan ng tulong. Hindi lang ‘yung mga mahihirap, pati ‘yung ating mga near-poor na nahihirapan sa araw-araw na gastos,” sabi ni Speaker Romualdez.

***

Isang Kaibigan

MAYROON akong isang kaibigan, kaya lang ako’y nagiuguluhan

Kapag sumagot sa mga katanungan, lahat sila nagugulantang.

Bahala na po kayo umintindi sa kaibigan ko, at bahala na rin po kayo sakaling siya’y muling tumakbo.

‘Di ko lang alam kung anong pagtakbo, hindi naman siguro “kapitan del baryo.”

Sa kanyang pagharap muli sa budget hearing ng Kongreso, bahala na siyang sumagot ng todo-todo.

‘Wag sanang sumagot ng paloko-loko, para umayos ang takbo ng proseso.

Kapag inaprubahan ang pondo, makikinabang ang sambayanang Filipino.

Mabuhay ang kaibigan ko!