Advertisers

Advertisers

Nagmaldita na naman si Aling Cynthia

0 85

Advertisers

Likas bang masungit, Donya Maldita ba si Aling Cynthia Villar na dapat sana, sa tinatamasang napakalaking biyaya, sandamukal na kayamanan, kasikatan ay nagpapakita ng kababaang-loob at pagkamapasensiyahin.

Pero sa isang kumakalat na video, iba ang maaaring isipin ng nakapapanood niyon, at ito ay ang nangyari kamakailan sa Talon 4 sa Las Pinas City.

Teka, may ganitong insidente na nangyari, dear readers, noong April 19, 2023, kumalat din ang isang video na niraratrat ng bibig ni Donya Bilyonarya ang isang private security guard sa Las Pinas na naglagay ng isang barrier sa isang accesss road malapit sa Zapote River.



Sa video na iyon, ito raw, ang sinabi ni Donya Bilyonarya sa kinakastigong sekyu: “Ako nagtanggal ng lahat squatter dito. Hindi ko nga ito napakinabangan eh. Ngayon, eh ikaw na ngayon ang masusunod.”

At noong Marso 3, 2013, sa dami ng bumatikos sa kanya,, napilitan na humingi ng tawad sa mga Pinoy nurses na nasaktan sa pagmamaliit ng senadora na tinawag niyang mga “room nurse” lamang.

Minaliit ni Aling Cynthia ang trabaho ng ating nurses, na hindi na raw kailangan pang magtapos ng kursong nursing, kasi, pinalalabas na katulong lang naman — na “room nurse” lamang.

Kumalat noon ang parunggit na pag daw nagkasakit ang senadora, baka walang mag-volunteer na nurse na magbantay sa kanya, at sa takot marahil sa ganting-galit ng mga botante, hayun, maiyak-iyak na humingi ng “taos sa pusong paumanhin.”

At ito nga ang latest na pagmamaliit ni Aling Cynthia na kumalat sa cyber space na sa video, makikita na pinapagalitan at kinurot pa (pinch) ang isang coordinator sa Barangay Talon 4 sa Las Pinas noong Friday. Set. 6.habang namumudmod ng relief goods sa mga biktima ng bagyong Enteng.



A, dun sa April 2023 incident, nakita na sinunggaban ng senadora ang kamay ng sekyu habang ang isang lalaki naman ay nakikiusap na wag saktan ang sekyu.

Siyempre, itinanggi ni Aling Cynthia na sinaktan niya ang sekyu, at sa insidente sa Talon 4, malamang kaysa hindi, itatanggi niya ito at magbabvanta pa na kakasuhan ang nag-video.

Opo, binantaan ng senadora nakakasuhan ang nag-video sa kinastigo at sinaktang sekyu noong 2023.

Kung mali man ang barangay coordinator at ang sekyu sa isa pang insidente, ano ang karapatan ni Aling Cynthia na manakit ng kapwa, lalo na siya bilang kagalang-galang na senadora, at isang public official.

Hindi maiwasan ng maraming netizen na isipin, aba kung paanong lantad sa publiko ay nagpapakita ng ganoong ugali — ang manakit sa kapwa –, ano kaya ang posibleng mangyari sa loob ng bahay nito, sa mga katulong, sa mga kawani na walang magagawa kungdi tiisin ang anomang maaaring gawing pisikal o emosyonal na pananakit sa kanila?

Dun sa insidente sa may Zapote access road incident, kinastigo si Aling Villar na tinawag na Homophobic, kasi narinig sa video na tinawag na bakla ang taong pinagagalitan.

Ito ang nairekord sa nabanggit na video:” Hindi ko sinasaktan ang uard nyo, Bakit kaya ko bang saktan ‘yan? Ano ‘yan bakla? Kaya ko bang saktan?”

Kaya ano ang naging ganting sagot ng isang netizen sa lugar na ito ang sinab na hindi porke bakla ang isang tao, may karapatan ang isang tao kang saktan siya.

Of course, itinanggi ito ni Aling Cynthia.

Nakalimutan na ito, pero eto na naman ang insidente sa Talon 4, aba, parang hindi na ito isolated case, hindi na ito minsanan lamang.

Maaaring isipin, ugali na ito talaga ng senadora na maging matapobre sa kapwa, lalo na sa maliliit na tao, sa mga hampaslupa.

Minaliit niya noon ang mga Pinay nurses sa abroad, nanakit siya ng isang sekyu at ngayon, isang maliit na barangay coordinator naman.

Right or wrong ang sekyu, ang barangay coordinator, hindi ito dahilan para manakit –ayon sa nakita sa video — ang isang senadorang bilyonarya.

Teka, nagbayad na ba ng daan-daang milyong pisong utang sa amilyar (real property tax) ang pamilya Villar sa Las Pinas City Government?

Ay, naman, talaga palang hindi nakukuha sa yaman at mataas na pinag-aralan ang ugaling makatao.

Nagtataka nga ang maraming netizen kung paanong nananalo pa sa Las Pinas ang tulad ni Aling Cynthia e kung ganoon daw ang ugali nito?

Kung sa Tundo ang ganyang ugali, hahaha, sabi ng isang kaibigan, “shoot sa inodoro” ang kandidatura ng isang katulad niya.

Well, sana, hindi totoo ang paniniwala ng marami na isang maldita ang aling senadora.

Aabangan natin ang sagot niya sa insidenteng ito!
***
Para sa inyong mga suhestyom, reaksyom at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.