Advertisers
Sa isang bersiyon sa larangan ng pakikipagkaibigan ay mapapalakpakan at masasaluduhan natin si EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE sa kaniyang sinseridad na walang iwanan sa tunay na KAIBIGAN, sa kabutihan o kasamaan man tulad sa agarang pagsaklolo nito sa kaniyang SPIRITUAL ADVISER na si PASTOR APOLLO QUIBOLOY sa pag-aktong ang una ang tumayong personal na abogado ng huli.
Ang KINGDOM OF JESUS CHRIST (KOJC) na pinangangasiwaan ni PASTOR QUIBOLOY ay nasasangkot at inaakusahan sa mga krimen tulad ng HUMAN TRAFFICKING, SEXUAL MISCONDUCT at ILLEGAL FINANCIAL OPERATIONS.., na malakidlat sa bilis ni EX-PRES. DUTERTE na maprotektahan ang una dahil nang maaresto si PASTOR QUIBOLOY ay agad na kinasuhan ni DUTERTE sina DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) SECRETARY BENHUR ABALOS at PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) CHIEF, MAJOR GENERAL ROMMEL FRANCISCO MARBIL dahil sa ginawang raid sa KOJC COMPOUND.
Sa ngayon ay nababansagan ang KOJC bilang isang “CHURCH OF CORRUPTION ” dahil sa umano’y pagkakasangkot sa LARGE SCALE HUMAN TRAFFICKING, CHILD ABUSE at ILLEGAL FINANCIAL OPERATIONS.., na sinuwerte namang ang isa sa itinuturing na mabalasik at maimpluwensiyang si EX-PRES. DUTERTE ang tumayong kaniyang abogado na agarang nagsampa ng kaso laban kina ABALOS at MARBIL sa ginawang raid.
Bunsod nito ay maraming mga OBSERVER ang nahihiwagaan sa ginagawang pagdedepensa ni DUTERTE sa isang FUGITIVE tulad ni PASTOR QUIBOLOY.., na ito ba ay pagpapakita ng kaniyang MATAPAT NA PAKIKIPAGKAIBIGAN.., o baka naman kaya ay may natatago pang karumaldumal na lihim sa KOJC at nauugnay ito sa mga KATIWALIAN noong panahon ng pagiging PRESIDENT OF THE PHILIPPINES ni DUTERTE?
Noong isagawa ang raid sa KOJC COMPOUND dahil sa iba’t ibang CRIMINAL CASES na isinampa ng ilan nilang mga dating miyembro laban kay PASTOR QUIBOLOY ay malaking katanungan ngayon sa kaisipan ng sambayanan kung bakit itong si DUTERTE ay inilublob niya sa peligro ang kaniyang imahe o reputasyon sa pagtatanggol sa kaniyang KAIBIGAN.., o baka naman kaya inaagapan nitong huwag mabuwag ang kaniyang KAIBIGAN dahil maaaring may mga mabubulatlat pa at mangahulugan din ito ng tuluyang pagkaguho ng DUTERTE EMPIRE?
Mga ka-ARYA.., ang buong bansa ay sumubaybay ngayon sa gagawing pagtatanggol ni EX-PRES. DUTERTE sa kaniyang TRUSTED FRIEND PASTOR QUIBOLOY at sa inaakusahang CHURCH OF CORRUPTION.
Tuluyan bang mabubuyangyang ang mga sekreto ng KOJC o mapagtatagumpayan ba ni DUTERTE na mamaniobra at manatiling mababaon na lamang ang katotohanan?
Sa pagkakataong ito ay malaking hamon ito sa kakayahan ng kasalukuyang administrasyon sa liderato ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR para sa pagpapairal ng “NO ONE IS ABOVE THE LAW” at maigawad ang hustisya sa mga tunay na nalapastangan ang kanilang mga dangal at karapatan.., gayundin ay kailangang masupil ang mga pang-aabuso sa larangan ng CORRUPTIONS at ILLEGAL DRUGS sa ating bansa!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.