Advertisers

Advertisers

WORLD CLASS PALAYAN SPORTS COMPLEX, JOSON LEGACY

0 44

Advertisers

IMPRESSIVE ang focus sa anti-drug campaign ni Secretary of Interior and Local Government (SILG) BENHUR ABALOS at alam ng lahat na Sports ang best project to divert the attention of constituents upang maiwasan ang killer na bisyong ito.

Sobrang appreciable ang bonggang Sports project na PALAYAN SPORTS COMPLEX sa Nueva Ecija, biggest sa Pinas to date.

Itinayo noong 2005 sa termino ni dating Governor TOMAS N. JOSON III. Nasa 54 hectares ang world-class sports complex na ito, may Olympics size swimming pool, table tennis place, oval, landscaped facade, among other features kung saan kabilang kami sa mga naimbita sa coverage. Naroon din ang NUEVA ECIJA CONVENTION CENTER for other big events.



For a throwback, remarkable sa amin ang remarks ni former PHILIPPINE SPORTS COMMISSION (PSC) Chairman WILLIAM ‘Butch’ RAMIREZ, “There should be a monument of JOSON for his legacy of good work in Sports.. “ kasunod ang makatotohanang biro ni Gov. JOSON. “ This will be my legacy, marami pang JOSON na magpapatuloy nito.

Magpapatuloy po ang aking panag-inip, kahit sa iba pang JOSON”.

By the way, ang Palayan Sports Complex ay venue rin ng pro league founded by boxing icon MANNY ‘PACMA’N’ PACQUIAO ang MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE, (MPBL) Games. PALARONG PAMBANSA ang unang nagdaos ng SPORTS SUMMIT dito wayback 2006.

Isa sa JOSON family ang nagpapatuloy na ng Sports advocacy ni Gov. TOMAS JOSON. Si Mayor VIANNE JOSON CUEVAS , youngest mayor ng Palayan, capital ng Nueva Ecija, (mula sa unang capital na Cabanatuan) ang Sports patron ng NUEVA ECIJA RICE VANGUARDS (NERV) na champion team sa MPBL at consistent sa pag-ariba sa team standing ng liga.

As for former PSC Chair BUTCH RAMIREZ’ TOMAS JOSON monument remarks, we also believe na appropriate, noble and reasonable ang idea. inspiring ang biggest Sports Complex at love for Sports sa Palayan City na situated sa Barangay Singalat ng lungsod. KUDOS!



VERGARA TANDEM,
TUTOK DIN SA SPORTS

KABILANG ang father-and-daughter tandem ng Cabanatuan City sa NUEVA ECIJA na inspirado sa Sports activities at pagsuporta sa anti-drug campaign. Si former Mayor JAY VERGARA ang current Vice Mayor katandem ang anak na si Mayor MYCA VERGARA, suportado ni Cong. RIA VERGARA, VM JAY’s better half.

May diskarte ang tandem na suportahan ang mga barangay nila sa Sports at other worthwhile activities kabilang ang entertainment. Ang open courts o covered courts sa mga barangay ay palaruan ng kabataan partikular sa basketbol. Sumasalit ang special shows, handog ng VERGARA leaders, as in, tipong ‘EAT BULAGA’ o ‘IT’S SHOWTIME’ ang peg.

Wait lang po, we were informed na relative ng VERGARA clan of Cabanatuan si STAR for ALL SEASONS VILMA SANTOS aka ATE VI. So, it’s no longer surprising na tandem din and sports at entertainment sa lugar. By the way, ambag din po ng Cabanatuan sa Entertainment industry sina KATHRYN BERNARDO, VIC SOTTO at WILLIE REVILLAME. So there!