Advertisers
NAGPAMALAS ng malaking aktibidad ang Cheongju sa North Chungcheong sa South Korea nitong nakaraang Setyembre 8, 2024 nang magtipon ang mahigit 80,000 katao para sumimba sa Cheongju Church ng Matthias Tribe, Shincheonji Church of Jesus.
Nagtipon ang katumbas ng one-tenth ng populasyon ng Cheongju upang pakinggan ang sermon ni Chairman Lee Man-hee. Mula sa iba’t ibang rehiyon ang mga dumalo gaya ng John Tribe mula sa timog Gyeonggi at Seoul, gayundin ang mga matataas na tao mula sa mga simbahan sa Korea.
Naging mas espesyal ang kaganapan dahil kasabay ito ng ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng Cheongju Church. Mahigit 100 pastor mula sa iba’t ibang Protestant church ang dumalo upang makinig ng aral mula kay Chairman Lee. Nag-abang ang maraming kasapi ng Shincheonji sa kahabaan ng apat na kilometrong ruta na daraanan ni Chairman Lee upang ihayag ang kanilang kasiyahan sa malinaw na interpretasyon ng mga propesiya sa Bibliya, partikular na sa Aklat ng Pahayag.
Sa harap ng kongregasyon, binigyang-diin ni Chairman Lee : “Laking pasasalamat natin na tayo ay binigyan ng Diyos ng kaunawaan sa Aklat ng Pahayag na walang nakakaalam sa mahigit na 6,000 taon. (How thankful are we that God gave us the understanding of the Book of Revelation that no one knew for 6,000 years).” Inilarawan niya ang Salita bilang “buhay.” Mahalaga aniyang magkaroon ng pananampalatayang naaayon sa kasulatan. Aniya: “Kailangan nating magpakumbaba sa lahat ng tao at tulungan silang maunawaan kung ano ang tama. (We must become humble before all people and help them understand what is right.)”
Nananatiling nakatuon ang aral ni Chairman Lee sa interpretasyon ng kasulatan mula pa lamang sa simula ng pagkakatatag ng Shincheonji Church. Sa taong ito lamang, bumisita siya sa mahigit 40 simbahan sa loob at labas ng bansa, nagbabahagi ng kaniyang kaalaman patungkol sa Bibliya at sa Aklat ng Pahayag. Maraming tao na hindi kuntento ang nakasumpong ng kaunawaan sa kaniyang mga itinuturo.
Isang halimbawa: isang tao na 30 taon sa Presbyterian church ang nagpahayag na wala silang spiritual understanding hanggang sa dumalo sila sa isa mga dalawang-oras na lecture ni Chairman Lee tungkol sa Aklat ng Pahayag. “Pakiramdam ko isa-isang nasasagot ang mga katanungan ko sa Bibliya na nagpapanlumo sa akin dati ( I felt like the question marks of the Bible that used to frustrate me were being solved one by one),” aniya.
Suportado ang lumalaganap na trend na ito ng datos gaya ng isang survey na isinagawa noong Setyembre 2023 ng Pastoral Data Research Institute na nagsabing spiritually unfulfilled ang 65% ng mga nagsisimba sa South Korea; at gusto ng 55% na magkaroon ng more structured biblical education mula sa kanilang mga pastor. Ito ang dahilan kung kaya dumarami ang mga young adult na sumasali sa Shincheonji Church, kung saan mahigit 100,000 katao ang nagtatapos ng kurso nito taon-taon.
Ayon sa isang staff ng Shincheonji Church of Jesus, dahil sa “Word-centered faith” at “Uniqueness of the revealed Word” kung kaya patuloy silang nadaragdagan. Dagdag pa niya: “Ang Aklat ng Pahayag, na dating inakala na kathang-isip lamang ay nagkakaroon ng katuparan at ang Shincheonji Church of Jesus ay may katibayan at structured curriculum na kayang suportahan ito. (The Book of Revelation, which we once thought of as a fairytale, is being fulfilled in reality, and Shincheonji Church of Jesus has the evidential proof and structured curriculum to support this claim.)”
Patuloy na nakahihikayat ang Shincheonji Church ng mga mananampalatayang naghahangad ng malalim na gabay at kaunawaan, na siyang nagpapatatag sa katayuan nito sa religious landcape ng Korea.