Advertisers

Advertisers

Sarah Lahbati, nakitaan ng marijuana sa bag?

0 55

Advertisers

Hindi nakaligtas sa “eagle-eyed” netizens ang larawan ni Sarah Lahbati na kuha umano sa isang birthday party kung saan makikita ang isang bagay na nakadungaw sa shoulder bag ng aktres.

Sa episode ng “Showbiz Updates” nitong Martes, Setyembre 10, tinalakay ni showbiz insider Ogie Diaz ang naturang larawan ni Sarah kasama si Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.

“Ang kapansin-pansin at napansin ng mga fans e itong nakasukbit sa bag ni Sarah Lahbati. Kung mapapansin mo sa bag…e mayro’n siyang live resin,” lahad ni Ogie.



Ayon sa tala, ang live resin umano isang uri ng cannabis na mula sa sariwang marijuana na kilala sa mayaman nitong substance at aromatic profile.

“Pero sinabi rito, hindi pa raw iyon legal sa Pilipinas. Paano sila nakakuha? Kaya si-nabi rito: ‘Kapag may pambili, may mabibili,’” wika niya.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o komento si Sarah hinggil sa nasabing intriga.

Kaya sabi ni Ogie: “Hinta-yin natin si Sarah Lahbati kung paano naman niya ito maipapaliwanag. Bakit siya mayro’ng gano’n sa kaniyang bag.”

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">