Advertisers

Advertisers

Lily happy sa bagong anyo ng banda

0 13

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

SECOND anniversary ng bandang Lily (formerly known as Calla Lily) kaya naman nagpatawag sila ng mediacon.

“Magtu-two years na kami ngayong September 21,” umpisang kuwento sa amin ng hot and hunky vocalist ng grupo na si Joshua Bulot.



“Actually andaming nangyari,” saad naman ni Lem Belaro (drummer/songwriter) sa tanong namin kung kumusta ang journey nila sa loob ng dalawang taon.

“Una siyempre ang hirap talaga kasi honestly, kailangan naming mag-adjust sa isa’t isa. Like [may] mga matagal ng members, we’ve been around seventeen years na.

“And then may mga bago kaming members, silang tatlo,” pagtukoy ni Lem kina Joshua, Nathan Reyes na rhythm guitarist (na hindi masyadong bago dahil 2017 ay nasa Cala Lily na ito pero bilang sessionista pa lamang at hindi pa permanente) at si Ezra Decinal na keyboardista ng Lily.

Ang mga original members naman na nanggaling pa sa Calla Lily ay sina Aaron Ricafrente na bassist ng grupo, Alden Acosta (lead guitarist) at si Lem nga.

Pagpapatuloy pa ni Lem, “Kailangang, alam mo yun, magkakaibang ugali, millennials tapos Gen Z, medyo mahirap pagsamahin.



“Pero dahil sa music actually nabubuo lahat. Nagiging maayos ang isang malaking puzzle.”

At dahil si Joshua ang pumalit sa unang bokalista ng banda na si Kean Cipriano, kinumusta namin kung ano na ang mga changes sa buhay at career ni Joshua.

“Actually sobrang natuwa ako kasi ano, ang bilis din ng chemistry naming lahat,” wika ni Joshua, “kumbaga nagkaroon kami ng struggles pero sa totoo lang pag iniisip mo ang bilis din ng nangyari sa amin.

“Na ang daming kumukuha sa amin, ang daming nag-embrace sa amin.

“Marami ring bashers pero totoo yan naka-help din sa amin.

“Looking forward ako sa marami pang puwede naming gawin,” nakangiting sinabi pa rin ni Joshua na agaw-pansin sa suot niyang crop top kaya kita ang kanyang mga matitipunong braso, well-defined abs at pusod na napapaligiran ng balahibong pusa.

Nakapanayam namin ang Lily sa magandang venue ng VEE’S G-Pub Resto Bar and Events Place sa Greenfield City sa Mandaluyong.

By the way, speaking of Joshua, siya ang sumulat ng bagong kanta ng Lily, ang very sexy and titillating song na ang titulo ay HIGA.

Natawa naman ang grupo sa tanong namin kung ano na ang matinding pamba-bash na dinanas nila.

“More on sa akin e,” bulalas ni Joshua, “kasi siyempre pinalitan ko si Kean so maraming comparison. Isipin mo si Kean maangas, naka-shades tapos ako naka-crop top!

“So parang alam mo yun? Maraming nag-bash sa akin, na hindi daw ako rakista. Pero sa totoo lang hindi naman talaga ako rakista.

“And I’m not Kean Cipriano. I’m Joshua Bulot. And this is not Calla Lily, this is Lily.

“So gusto kong iparating sa mga tao na wala kayong dapat ikumpara kasi this is a new band and I’m not Kean, I’m not the shadow of Kean,” pahayag pa ni Joshua na umani ng palakpakan.