Advertisers
PINATAOB ni Fiipino top board player Shania Mae Mendoza si Natalie Fuad Kamel Jamaliah sa 41 moves ng Sicilian Defense upang pamunuan ang Pilipinas sa 4-0 wagi laban sa Jordan sa third round ng 45th FIDE Chess Olympiad at BOK Sports Hall sa Budapest, Hungary Biyernes.
Sa ibang resulta, Dinaig ni Woman Grandmaster (WGM) Janelle Frayna si Arafat Serina, Woman International Master (WIM) Jan Jodilyn Fronda tinalo si Alshaeby Boshra at Bernadette Galas nagwagi kontra Al-Qudah Ruba na ang Pilipinas ay nakapasok sa top three na may four points.
Itinalaga ni national women’s coach Jayson Gonzales si Mendoza na maglaro sa board one para malaya sina Frayna at Fronda na magkaroon ng tsansa na makaiskor sa lower board.
Mendoza, na FIDE Master, ay kumita na ng 2.5 points,kabilang ang draw sa American IM Gulrukhbegim Tohirjonova sa second round.
“She’s been doing great,” Wika ni Gonzales patungkol sa 26-year-old Mendoza, ang pride ng City of Santa Rosa, Laguna.
Sa men’s division, bumawi ang Pilipinas sa kanilang second round-loss sa Germany na 3.5-0-5 wagi kontra Madagascar.
IM Paulo Bersamina giniba si Toavina Razanadrakotoarisoa sa board two,GM John Paul Gomez wagi kontra Heritiana Andrianiaina sa board three at IM Jan Emmanuel Garcia dinaig si Miora Andriamasoandro sa board four.
GM Julio Catalino Sadorra nauwi sa draw kay Fy Antenaina Rakotomaharo sa board one matapos ang 30 moves ng Catalan via repetition.
“I didn’t want to force it, I think a draw was enough for the team,” Wika ni US-based Sadorra.
Samantala, IM Daniel Quizon ay inaasahan na maglaro sa board two kapag nakaharap ng Pilipinas ang Monaco.
Ang 20-year-old Quizon, ay nangailangan lang ng dalawang Elo points para maabot ang required na 2500 rating para maging Grandmaster.