Advertisers

Advertisers

Yassi lilipat ng TV5 kaya papalitan na ni Julia sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

0 373

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

LAST year pa nababalita na mawawala na bilang leading lady ni Coco Martin sa “FPJ’s Ang Probinsyano” si Yassi Pressman at papalitan na siya ng magandang aktres na close kay Coco na si Julia Montes.

Pansamantalang nanahimik ang issue pero recently ay maugong na naman ito at tuloy na raw talaga si Julia sa Kapamilya action-drama series ni Coco at si Yassi naman ay ililipat na raw ng Viva (management ng aktres) sa TV5 at may pagbibidahan daw itong show roon.



Well kung true, ito ay wrong career move for Yassi na sa Singko siya mapupunta dahil mukhang walang mangyayari sa kanya sa said TV station.

Mabuti si Julia at stable na ang career at hindi siya pababayaan ng ABS-CBN. Kapag nag-umpisa na sa Ang Probinsyano ang aktres ay siguradong sila na naman ni Coco ang laman ng news na nagkabalikan na sila.

Hindi rin siyempre maiiwasan na makalkal uli ‘yung umano’y pagkakaroon ng anak ng aktres kay Coco.

***

Direk Reyno Oposa Patuloy Ang Pamamayagpag Sa Digital, May BL Series Na 



Kung malas sa iba ang 2020 because of pandemic, sa Canada-based filmmaker and producer na si Direk Reyno Oposa ay suwerte ang taong ito kasi naapektuhan man ‘yung movies niya like “Agulo: Sa Hinagpis Ng Gabi” na kinamatayan na ni Kristoffer King at “Silab” na pinagbibidahan ng magagaling na indie actors na ready na sana for showing in cinemas.

Nakakuha naman ng ibang career sa digital platform si Direk Reyno, ang pagba-vlog sa sarili niyang Youtube channel na REYNO OPOSA Official at pag-produce at pagdidirek ng iba’t ibang music videos. At dahil namama yagpag siya rito ay patuloy ang pag-explore ng kaibigan naming director-Youtuber at may special project siya at naghahanap ito ng mga bagong Mukha forYouTube Series, siyempre pinaka-importante sa qualifications ay dapat guwapo at maganda na artistahin. Hindi yung dahil sabi ng nanay mo ay pogi ka.

Ipadala ang inyong pictures sa messenger at abangan ang announcement kung isa ka sa mapipili. Uso at mabenta ang BL Series ngayon at ito ang pagkakaabalahan ngayon ni Direk Reyno Oposa.

Mapapapanood na sa December 24 ang latest project na “Lockdown Paradise” series sa kanyang YT Channel na siya ang sumulat ng story at nagdirek.

***

Marami Ang Nakikisayaw Sa Social Dis-Dancing Ng Eat Bulaga

Eversince may dance segment sa Eat Bulaga ay hit agad ito sa mga dabarkads sa buong bansa. At Team Pinas at Team Abroad, pwedeng-pwede ka sa Social Dis-Dancing kaya Rehearse, Dance and Post nyo na ang dance challenge para sa araw na ito inyong pinanonood.

Huwag kalimutan na i-tag ito sa social media accounts ng Eat Bulaga sa Facebook, Instagram, o TikTok kasama ang hashtag na #EBSocialDisDancing. Upload your dance cover at ilagay sa caption ang inyong names (2 or more disdancers) at location. IG: eatbulaga1979 TikTok: ebdabarkads.

Ating samahan sina Dabarkads Alden Richards, Maine Mendoza, Paolo Ballesteros at Jose Manalo at maki-Dis-Dancing tayo sa kanila kasama ng kasaling grupo na Team Pinas at Team Abroad.