Advertisers
Jeffrey “King Cobra” Ignacio ang naging pangatlong Filipino cue artist na nagwagi ng ibang titulo sa billiards sa pagitan ng kulang limang araw.
Sa finals ng men’s 10-ball final ng 37th Japan Open, dinaig ni Ignacio ang Taiwanese Lin Tsung-Han, 8-3, para maangkin ang tournaments championship na may nakataya na $9,400.
Tinalo ng Filipino ang dalawang hometown hopefuls sa tournament: Sa round of 16 Linggo, ginapi nya si Kohki Sugiyama sa dikit na 8-7, habang sa final four, nagwagisiya kontra Satoshi Kawabata, 7-5, bago tumuloy sa final.
Lunes ng gabi,pagkatapos ng kanyang panalo, pinasalamatan ni Ignacio ang kapwa champions Rubilen Amit at Johann Chua, na nagwagi sa kanya-kanyang tournaments bago siya.
“Thank you to my inspirations here, to the recent World Champion Rubilen ‘Bingkay’ Amit, who inspired me with your never-give-up attitude, and especially to you, Brother Johann Chua , whose consistency is truly motivating,” nakasulat sa kanyang Facebook page.
Amit ang 2024 Massé WPA Women’s World 9-Ball Champion nakaraang Miyerkules, habang si Chua nakamit ang championship ng Zen & Yuan8 Open Biyernes.
Amit ay nakatakdang bumiyahi patungong Shanghai para sa Pudong WPA 9 Ball China Open.