Advertisers
Ni Rommel Placente
NAPANOOD namin ang Maple Leaf Dreams, na launching film ng tambalang LA Santos at Kira Balinger sa special celebrity at press screening nito last Friday, September 20, sa Gateway 2 Cinema 12.
In fairness, maganda ang pelikula. At parehong magaling dito sina LA at Kira.
Kaya naman nang maging official entry ang Maple Leaf Dreams sa katatapos lamang na Sinag Maynila Film Festival 2024, parehong na-nominate sa acting category sina LA at Kira.
Nominado sa Best Actor category si LA at apat lamang silang naglaban-laban. Ang mga nakalaban ng aktor ay sina Ronnie Lazaro, Bryan Wong at Tony Labrusca. Si Ronnie ang nagwagi sa naganap na Gabi ng Parangal.
Si Kira naman ang tanging nakalaban ng veteran actress na si Rebecca Chuaunsu (para sa pelikulang Her Locket) na siyang nagwaging best actress. Pero kahit na parehong natalo sina Kira at LA, feeling winner na rin sila sa nakuhang nomination.
After ng screening ay nagkaroon ng mediacon. Tinanong sina Kira at LA kung anong reaksyon nila na tila na-preempt nila ang “Hello, Love, Again” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na sa Canada rin kinunan.
Sabi ni LA, “Ako siguro, sobrang happy ako na masasabi kong nag-Canada (shooting) kami.
“I’m very happy na mabanggit lang na kasama sila at sobrang blessing naman talaga yung makapunta sa Canada.”
Para naman kay Kira, “Para sa akin I believe that every OFW story is different. I mean, we may have the same location po as Hello, Love, Again.
“Pero malay po natin baka magiging sad yung ending nila, sa amin happy. I believe that every OFW story deserves to be told and that they are all different.”
Sey naman ni Direk Benedict Mique, direktor ng Maple Leaf Dreams,“I think the more OFW stories na mapapalabas is more beneficial sa ating mga kababayan, kasi there are so many stories to be told and to be shared.
“And I think the more na we support Filipino film na ganito, it is the more na sinusuportahan yung mga kamag-anak natin, ang mga mahal natin sa buhay abroad. Because this is their story.”
Kasama rin sa Maple Leaf Dreams sina Joey Marquez, Ricky Davao, Snooky Serna, Malou Crisologo, Jef Gaitan, Jong Cuenco, Hannah Thalia Vito, Luke Alford, Kanishia Santos, Benito Mique, Wilson Martinito at si Miss International 2013 Bea Rose Santiago.
Showing na ang pelikula sa mga sinehan nationwide simula September 25 at sa September 27 naman ay mapapanood na ito sa ilang major cities sa Canada tulad ng Toronto, Winnipeg, Calgary, Edmonton at Vancouver.
***
HINDI mapigilan ni Ogie Diaz ang mag-alala sa dating dating alaga na si Liza Soberano dahil sa kasalukuyang nangyayari sa career at sa buhay nito ngayon.
Balita ngang umalis na si Liza sa pangangalaga ng Careless Music ni James Reid. At plano umano nitong magpa-manage sa isang talent management sa USA
Sabi ni Ogie,”Sana magising na si Liza sa katotohanan na kailangan na niyang magising. Dahil ako kilala ko ‘yung bata na yan. Di ko makalimutan na mabait yang bata na yan. Hindi ko lang alam kung bakit nag-360 degrees na change ang nangyari.
“Alam mo, we are open to changes pero huwag naman ‘yung 360 degrees. Parang hindi na si Liza ‘yun.”
Naniniwala rin si Ogie na hindi lang naman si Liza ang may pakana sa likod ng mga nangyayari bagkus may mga tao na nakakaimpluwensiya sa kanyang mga sinasabi at nagiging desisyon.
“Ako ah, para sa akin, parang iba e. Parang nadiktahan. Katulad ng vlog niya, hindi ako naniniwalang galing lahat ‘yun kay Liza. ‘yung mga sinabi niyang yun?” sey pa ni Ogie.