Advertisers

Advertisers

Empleyado natusta sa nasunog na resto

0 6

Advertisers

Nasawi ang isang babaeng empleyado sa nasunog na restaurant sa Sampaloc, Maynila nitong Martes ng umaga.

Sa ulat, matatagpuan ang restaurant sa unang palapag ng isang apat na palapag na commercial building.



Ayon kay Fire Sr. Insp. Cesar Mabante, Station 5 Commander BFP Manila, stay-in worker ng establisyimento ang biktima.

Nagsimula ang sunog ng 3:45 ng madaling araw at idineklarang fire out ng 4:13 ng umaga.



“Sa ngayon po meron po tayong isang casualty na naitala, siya po ay isang babae. Beni-verify pa po natin more or less nasa 50s ang kanyang edad,” sabi ni Fire Senior Inspector Cesar Babante, Station 5 Commander, BFP Manila.

Ligtas naman nakaalis ang iba pa sa mga stay-in na mga empleyado.



“Dalawa lang kaming nakalabas… dun sa may bandang kusina sir at maindoor, sinubukan ko rin [apulahin] kaso di ko mapigilan, kumuha ako ng tubig… diko talaga kaya sir,” kuwento ni Franklin Laurente, nakaligtas na empleyado.

Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang pinagmulan ng apoy at kabuuang halaga na natupok nito.

May paalala naman ang BFP upang maiwasan ang anumang sunog.

“Paalala lang po sa ating mga kababayan na mag-ingat po tayo… bunutin ang mga nakasaksak na mga gamit bago po tayo umalis sa ating mga tahanan, siguraduhin po natin na na naka off ang ating LPG,” sabi ni Babante.(Jocelyn Domenden)