Advertisers
Dumulog na ang mga dismayado at galit ng motorista sa tanggapan ni 1- Rider partylist Cong.Bonifacio Bosita para imbestigahan ng Kongreso ang palpak at malatubang panghuhuli ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) na dineputized ng Land Transportation Office (LTO) para tumulong na magmando ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.
Hinihiling din ng mga nagrereklamong MOTORISTA sa LTO at sa Department of Transportation (DOTr) na rebisahin ang programang pag- include ng mga miyembro ng Coast Guard sa traffic enforcement units ng LTO.
Napakarami umanong sablay na panghuhuli ng mga miyembro ng Coast Guard sa ating mga kaawa- awang MOTORISTA.
Malayo umano sa nature ng trabaho ng mga Coast Guard personnels na ito sa kanilang panghuhuli ngayon ng mga traffic violators diyan sa EDSA.
Malinaw na wala po ang mga PCG na ito sa gitna ng karagatan at sadyang wala sa kanilang ” comfort zone”.
In short,wala po sa kanilang natural environment o habitat!
Hindi rin malinaw o transparent ang pinagdaanang trainings, seminars at orientations ng mga PCG personnels na ito sa traffic management.
Basta na lamang inihalo from nowhere ang mga ” from the mountains and from the ocean” na mga Coast Guard personnels na ito sa iba pang traffic units ng LTO at maging sa MMDA.
Hinihiling din ng ilang transport and drivers’ groups na ipatawag ng Komite ng Kongreso sa pamamagitan ni Cong.Bosita na imbestigahan ang LTO at ang Philippine Coast Guard para mabusisi ang ano mang agreement o MOA ng dalawang sangay ng tanggapang ito ng gobyerno para makabalangkas ng karampatang guidelines at mga kaukulang batas para ma- proteksyunan ang kapakanan ng mga drivers at mga MOTORISTA na napeperwisyo at nagiging biktima ng mga mali at baluktot na panghuhuli.
Mariing hiniling ng sektor ng mga tsuper at MOTORISTA kay Bosita na ipatawag ang mga opisyal ng LTO at PCG para mapag- aralang mabuti ang internal agreement ng LTO at PCG sa pagmamando at pamamahala ng daloy ng trapiko sa EDSA in aid of legislation para sa parehas na protekson at ikabubuti ng lahat ng stakeholders.
Hindi sapat sa panig ng mga motorista at tsuper na i- contest na lamang ang inaakala nilang mali,palpak at iligal na panghuhuli sa kanilang mga lisensiya at pag- impound sa kanilang mga sasakyan ng LTO at PCG.
Paano kung mapatunayang iligal nga at mali ang ginawang panghuhuli ng mga tolongges na PCG personnels?
Paano ang abala,perwisyo at stress na idinulot ng katangahang ito ( maling apprehensions) ng mga Coast Guard personnels sa ilalim ng supervision ng LTO?
Ganoon na lang ba yun?
Paano ang daily income ng mga drivers at mga sasakyang na- impound?
Bahala na nga ba si Batman?
Sinong mga gunggong at bobong mga opisyales ng LTO ang dapat managot sa perwisyo at damages na nangyari sa kanilang bulok na implementasyon ng batas trapiko.
Kaya hinihiling din natin sa mabunying Kinatawan ng
1- Rider Partylist ,the honorable Bonifacio Bosita na bigyan ng prayoridad ang anti- poor, anti- motorists and very insensitive implementation of traffic apprehensions ng combined LTO- PCG personnels na ito sa ating mga pangunahing lansangan.
Sa mga ordinaryo at mahihirap nating mga kababayan lamang nakakapangyayari ito Cong.Bosita.
Di naman kayang gawin ito ng mga punyeta at kupal na mga taga- LTO at PCG sa mga VIPs at mayayamang indibidwal.
‘Yun ang napakasakit na katotohanan na hindi parehas ang batas at hustisya dito sa tinubuan nating lupa.
Iba ang karapatan sa pananaw ng lipunang Pinoy sa mga masalapi at ng mga katulad naming maglulupa!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com