Advertisers
Nagkamayan at nagyakapan sina Senador Alan Peter Cayetano at Juan Miguel Zubiri matapos ang kanilang mainit na debate nitong Martes, September 24, tungkol sa karapatan ng 10 (Enlisted Men’s Barrio) EMBO barangays na makaboto ng kanilang representante sa Kongreso. Nagkaisa ang dalawa, kasama ang iba pang Senador, na aprubahan ang inihain ni Cayetano na Senate Concurrent Resolution No. 23 na nagrerekomenda sa Commission on Elections (Comelec) na isama ang 10 EMBO barangays sa dalawang umiiral na distrito ng City of Taguig para makaboto sila ng kongresista sa Mayo 2025. Kahit kasi malinaw sa inilabas na desisyon ng Korte Suprema noong 2021 na ang EMBO barangays ay sakop ng Taguig, hindi nakasaad doon kung saang distrito sila mapapabilang. “The issue here is very basic: it is representation, it is suffrage,” pahayag ni Cayetano sa kanyang manifestation sa plenaryo. “With a few weeks left until voting, the people of EMBO will be very grateful that we gave them the choice sino’ng gustong tumakbo at sino’ng gusto nilang iboto,” dagdag niya. (CESAR MORALES)