Advertisers
HINDI biro ang ginagawa ng Quad Commiittee sa pagbusisi ng mga pangunahing isyu ng bansa – paglago ng POGO, paglabag sa karapatang tao, mga EJKs sa panahon ni Gongdi, korapsyon sa gobyerno, at iba pa. Hindi biro ang tiyaga ng mga mambabatas na isailalim ang mga saksi at iba pang resource person sa masusing pagsisiyasat.
Tumatayong presiding chair si Kin. Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte sa QuadCom na binubuo ng apat na komite sa human rights, illegal drugs, public accounts, at good government. Pinatunayan nila na mas maasahan ang Camara de Representante kesa sa Senado sa pagtalakay ng mga mahalagang isyu na humaharap sa bayan.
May walong pagdinig ang ginawa ng QuadCom at maraming detalye ang lumabas sa mga public hearing. Kakaiba at totoong inilihim sa mga mamamayan ang mga lumabas sa pagdinig. Ang mga isyung ito ang masusing sinisiyasat.
Dito kuminang ang liderato ni Barbers sa pangatlo at huling termino bilang kongresista. Dahil hindi siya naisama sa tiket ng administrasyon na tatakbo sa Senado, marapat lang na bigyan ng bagong puwesto na angkop sa kanyang kakayahan at imahe publiko.
Isa kami sa mga naniniwala na ikonsidera ni BBM si Barbers bilang kapalit ni Benhur Abalos na tatakbong senador sa ilalim ng tiket ng administrasyon. Dala ni Barbers ang kuwalipikasyon at kakayahan upang maging epektibong kalihim ng DILG.
* **
MASKI kami labis na nagulat sa kumpisal ni Lt. Col. Santi Mendoza, isang PNP opisyal, na si Col. Edilberto Leonardo ang nag-utos sa kanya sa pagpaslang kay Wesley Barayuga, isang retiradong heneral, noong 2020. Inamin ni Mendoza sa QuadCom na siya ang kumuha ng “angkop na tao” na papatay kay Barayuga.
Sa pagtatanong ni Kin. Jimmy Pimentel, inamin ni Mendoza na kinontak niya si Nelson Mariano, isang informant, upang kumuha ng “gun for hire” na siyang babaril kay Barayuga. Corporate secretary ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) si Barayuga sa ilalim ni Col. Royina Garma na siyang general manager.
Inamin ni Mendoza na si Garma ang nag-utos kay Leonardo upang ipapatay si Barayuga. Kinontak ni “Toks” si Mendoza upang kumuha ng hitman na babaril kay Barayuga. Bata umano ni Garma si Toks.
Mangiyak-ngiyak si Mendoza nang aminin niya ang isang “Loloy” na bumaril kay Barayuga. Pinaghati-hatian nila ang P300,000 na pabuya na nanggaling kay Garma. “Pumatay kami ng inosente,” ani Mendoza.
Sinabi ni Pimentel na marapat magsampa ng sakdal ang komite laban kay Garma at Leonardo. Hindi isang “maamong tupa” si Garma kundi isang “walang awang mamamatay tao”.
Sinabi rin ni Pimentel na ang babala na isiwalat ni Barayuga ang anomalya sa STL ang motibo sa pagpaslang kay Barayuga. Hindi ang pagkakasangkot sa droga ang dahilan, aniya. Ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Barayuga at Garma ang dahilan.
***
SA pagtatanong ni Kin. Jinky Luistro, tumibay ang alegasyon na nagkaroon sa sabwatan sa pagitan nina Garma, Leonardo, Mendoza, Mariano, Toks, at Loloy upang patayin si Barayuga. “The crime of one is the crime of all,” aniya.
Inamin ni Mendoza kay Luistro na labis siya nangamba sa kaligtasan niya at pamilya kay Garma at Leonardo sapagkat “malapit” siya kay Gongdi. Labis ang takot niya sa mga nasa kapangyarihan noon.
Hindi kami nagtaka na harapin ni Kin. Benny Abante ng Maynila sina Garma at Leonardo na sa tingin niya ay patuloy na nagsisinungaling. Binanggit ni Abante na galit si Garma habang binabasa ni Mendoza ang kanyang affidavit na nagdawit sa kanila sa pagpatay kay Barayuga.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “RODRIGO Duterte, Jose Calida, Vitaliano Aguirre, Kokok Pimentel, and Richard Gordon top the list of Filipino officials who will be barred from entering the U.S. for their involvement in the political persecution of Leila de Lima. If push comes to shove, they qualify to seek political asylum either in China or North Korea. Is this Washington’s way to come out with its blacklist of rogue characters in the Phl? The list could include other rogue characters. It would get longer …Who knows that in the end only the Vice President would be allowed to get inside the U.S. Bato dela Rosa will be allowed to go in the U.S. after his visa has been renewed. But who would stop federal agents from arresting him and putting him in jail because some human rights guys have filed cases against him related to the spate of EJKs in the Philippines. Bato knows that re-issuance of visa could be a trap for him. He doesn’t know how the U.S. federal government will treat him if he goes there to visit relatives and friends… Sige nga, subukan mo?” – PL, netizen, kritiko
“I’m a scholar since Grade 1 till my Phd. Forty four yrs in service. I need to protect my name.” – Dr Gloria J. Mercado
***
Email: bootsfra@gmail.com