Advertisers

Advertisers

Shincheonji Bible Seminar Ikinatuwa ng mga Pastor sa Korea

0 10

Advertisers

BUSAN, SOUTH KOREA — Nagpamalas ng masidhing interes ang mga pastor mula sa mga matatatag nang simbahan na dumalo sa ginanap na Bible Seminar sa Busan kamakailan. Maraming pastor ang nagpahayag ng kanilang testimonya matapos ang pangyayari kung saan natanggap nila ang malalim at tamang kaunawaan sa Bibliya.

Inilahad ni Pastor Cho mula sa Gimhae, ang kanyang karanasan matapos ang ‘2024 Shincheonji Bible Seminar’ na magkasunod na ginanap sa Masan at Busan. “Maraming beses ko nang binasa ang Bibliya, literal ang pagkaunawa ko dito… Palagay ko ay natutunan ko ang hayag na salita para sa panahong ito nito lamang makadalo ako sa Bible seminar. (I’ve read the Bible many times, but I think I read it literally… I think I learned the revealed word accurately for this era only after attending the Bible Seminar.)”

Dagdag pa ni Pastor Cho maraming pastor, kabilang na sya, ang umaasa sa interpretasyon ng mga Bible scholar, sa halip na unawain ang tunay na kahulugan ng kasulatan. Binigyang-diin niya na kinakailangan ng mga pastor na “buksan ang kanilang mga puso” at alamin ang mas tamang kaunawaan ng Salita.



Naghayag din ng kahalintulad na saloobin si Pastor Oh, isang Presbyterian na pastor ng 17 taon. Aminado siyang nakadarama sya ng pagkabigo dahil sa pagkakawatak-watak at kompetisyon sa loob ng kaniyang denominasyon ngunit naantig ang kaniyang damdamin sa katuruan ng Shincheonji Church. “Naisip kong ito ang lugar na nagtuturo ng Salita ayon sa Bibliya. Nakaramdam ako ng guilt bilang pastor na nakapagturo ng Salita na hindi ko pala nauunawaan. (I realized that this is a place that preaches the Word according to the Bible. I feel a lot of guilt as a pastor for having taught the Word while misunderstanding it),” pag-amin ni Pastor Oh. Hinimok niya ang mga pastor mula sa mga matatatag nang simbahan na lumapit sa katuruan ng Shincheonji nang may bukas na puso.

Bukod sa mga personal na testimonyang ito, binigyang-diin din ng isa pang Presbyterian pastor, si Pastor Kim, ang mga pagsubok na hinaharap ng mga Christian churches sa Korea. Sa dami ng mga kasapi na umaalis sa kanilang kongregasyon, mahalaga, aniya, ang oras na ito na magpokus sa pag-unawa sa Bibliya. Aniya, matapos mapakinggan ang katuruan ng Shincheonji church, naliwanagan sya sa nilalaman ng Bibliya na hindi niya dati alam na nagpadama sa kaniya na nagbibigay ng kaliwanagan sa kasalukuyang panahon ang mga katuruang ito.

Bahagi ang mga seminar na ginanap sa Busan at Masan ng serye ng mga Bible seminar na inihanda ng Shincheonji Church of Jesus. Layunin nito na ipahayag ang hayag na salita sa mga mananampalataya at isulong ang dayalogo sa mga pastor mula sa mga tradisyonal na denominasyon, upang ibangong muli ang Protestant Church.

Nakakuha ng malaking atensyon ang ginawa ng Shincheonji Church kung saan libu-libong pastor at mananampalataya ang dumalo sa mga seminar. Sa Busan lamang, may 40,000 katao ang dumalo kabilang ang 100 pastor.

Itinuon ni Chairman Lee Man-hee ang kaniyang pahayag sa pagpapaliwanag ng mga propesiya at katuparan na nasa Bibliya, partikular na sa Aklat ng Pahayag. Hinikayat nya ang mga tagapakinig na alamin nila sa kanilang sarili kung tunay bang nakasusunod sila sa katuruan sa Bibliya, lalo na sa aklat ng Pahayag.



“Sinasabi ko sa inyo ang nilalaman ng Aklat ng Pahayag at ang tunay na naganap na aking nakita at narinig. Kung ano ang nas Bibliya, iyon dapat ang ihayag na tila pantatak, walang pagbabago, walang labis, walang kulang. Kahit sinasabi mong naniniwala ka kay Hesus hindi nangangahulugan na mapupunta ka na sa langit. Kailangan mong makinig mabuti sa bawat salita na sinasabi ni Hesus, alamin kung sino ka sa loob ng Bibliya, at isabuhay ang pananampalatayang ito ayon sa Bibliya. ( I am telling you the contents of the Book of Revelation and the reality that I saw and heard directly. The Bible should be conveyed as it is, as if it were a stamped seal, without distortion or addition or subtraction. Just saying that you believe in Jesus does not mean you will go to heaven. You should listen carefully to each word Jesus said, clearly realize who [your are] according to the Bible, and carry out a life of faith according to the Word)” saad ni Chairman Lee.

Lumalaganap hindi lamang sa Busan ang katuruan ng Shincheonji kung saan maraming pastor ang lumagda ng Memorandums of Understanding (MOUs) upang ipagpatuloy ang pag-aaral. Ngayong Setyembre lamang, may 727 simbahan ang lumagda ng MOU sa Shincheonji church sa Korea at may karagdagang 13,053 simbahan sa 84 bansa sa buong mundo ang sumali rin dito.

Naging kapansin-pansin din sa mga lokal na mamamayan ang Bible Seminar sa Busan. Pumila ang mga tao mula Seomyeon hanggang Andrew Training Center sa Beomil-dong, na inihahambing sa “World Cup fever” kung saan nagpamalas ng pananabik at kaayuan ang mga dumalo. Nabigla din ang mga lokal na may tindahan sa kinalabasan lalo na sa dami ng mga kabataang dumalo.

Sabi ng isang opisyal ng Shincheonji Church: “Palagay ko ang pinakamalaking pagbabago ay mga pastor na ngayon ang nnangunguna para makinig sa katuruan. Umaasa ako na kahit ano pa man ang denominasyon o sekta, ang mahalaga, matuto at makaunawa ang mga tao sa Bibliya at magpatuloy sila sa pag-aaral. (I think the biggest change is that the pastors are the first to come forward to listen to [our teachings]. I hope that regardless of denomination or sect, people will learn and understand the Bible properly and continue to cooperate through the word exchange.)”

Kasunod ng matagumpay na seminar sa Busan at Masan, ipagpapatuloy ang Shincheonji Bible Seminar sa iba’t ibang dako ng South Korea, kung saan gaganapin ang susunod na sesyon sa Seoul sa ika-5 ng Oktubre Ipalalabas ang seminar sa YouTube, sa official Shincheonji Church channel, https://www.youtube.com/@ShincheonjiChurch_en, gayundin mapapanood ito ng live sa Facebook, www.facebook.com/NHNE.PH

Maaaring maging simula na ang lumalaganap na interes na ito sa katuruan ng Shincheonji Church of Jesus upang maraming pastor at mananampalataya na ang makaunawa na sa Bibliya.