Advertisers

Advertisers

“We will definitely win” – Mayor Honey, VM Yul

0 12

Advertisers

“WE will definitely win… We will not engage in mudslinging kasi hindi naman po kami pinalaki ng magulang namin na manira po ng ibang tao.”

Ito ang deklarasyon ni Manila Mayor Honey Lacuna matapos na siya at si Vice Mayor Yul Servo ay maghain ng kanilang certificates of candidacy (COCs) ng magkasabay sa SM Cinema 12 sa SM Manila,kung saan pareho nilang tiniyak na patuloy na magsisilbi sa ilalim ng prinsipyo ng mabuti at tapat na pamamahala na nakasentro sa paghahatid ng pangunahing serbisyo sa mas nangangailangang sektor, lalo na ng mga senior citizens.

Matapos na maghain ng kanilang COCs, sina Lacuna at Servo ay sinamahan ang kanilang mga kandidato sa pagka-Konsehal sa iba’t-ibang distrito ng Maynila na pinili ang ang parehong araw para maghain ng kani-kanilang CoCs, kabilang dito si Bong Marzan, kapatid at dating city administrator Jay Marzan, na tatakbo bilang Konsehal ng ika-apat na Distrito.



Sinabi ni Lacuna siya at si Servo ay umaasa na maipagpapatuloy ang centerpiece program ng kanilang administrasyon, ang social amelioration program o SAP na nagbibigay ng monthly financial assistance sa senior citizens, solo parents, persons and minors wirh disability at university students mula sa dalawang cityrun colleges.

Bago ang filing, nakisali Muna sina Lacuna at Yul sa fiesta-atmosphere ng Kartilya ng Katipunan na katabi halos ng Manila City Hall kung saan ang napakaraming supporters ay nagtipon bilang suporta sa tandem ng dalawa ganap na ala-6 ng umaga.

Nabatid na ang lahat ng mga Honey-Yul supporters, na nakasuot ng kulay blue ay nasa venue na limang oras bago magsimula ang scheduled filing COCs nina Lacuna at Servo.

Mula sa venue sina Lacuna at Servo ay naglakad patungo sa sattelite office ng COMELEC sa SM Manila kung saan sila naghain ng kanilang COCs, Sila ay sinamahan ng kanilang slate members at maging ng kanilang anim na Congressional candidates na kinabibilangan nina comebacking first district Congressman Manny Lopez at incumbents Rolan Valeriano (2nd district), Joel Chua (3rd district), Edward Maceda (4th district), Irwin Tieng (5th district) and Benny Abante (6th district). Lahat sila ay reelectionists maliban kay Maceda, kung saan ang kanyang maybahay na si Dr. Giselle ang hahalili sa kanya matapos na maabot na nito ang three-term limit.

Ang tandem nina Lacuna at Servo ay mayroong buong suporta ng lahat ng miyembro ng majority ng Manila City Council.



Lahat sila ay tumatakbo sa ilalim ng ruling local party sa Matnila na Asenso Manileño, na nakopo ang lahat ng local elective posts noong 2022 elections. (ANDI GARCIA)