Advertisers

Advertisers

SAMA-SAMA NA SA PAGTULAK NG KAPAYAPAAN

0 5

Advertisers

Isang makasaysayang pagbabago tungo sa kapayapaan ang naganap sa tatlong-araw na Nationwide Peace Advocate Summit 2024 nitong nagdaang linggo.

Ito ay dahil nagsama-sama na ang mga dating rebelde na sumuko na sa pamahalaan at nagkaisa, upang tuligsain at manawagan na wakasan na ang armadong rebelyon laban sa pamahalaan.

Inilahad ang kanilang panunuligsa sa isang deklarasyon sa pamamagitan ng manipesto na nilagdaan ng halos 70 dating mga rebelde na pinamagatang “A Call for Unity, Progress, and Collective Healing,” na kanilang inihayag sa pulong balitaan na ginanap din sa La Breza Hotel sa Quezon City matapos ang Nationwide Peace Advocate Summit 2024.



“We, former members of the Communist Party of the Philippines (CPP), are united and peacefully condemn the violence inflicted by the CPP-NPA-NDF and other forms of violence experienced by the Filipino people,” ang kanilang tinuran sa manifesto.

“Our decision to condemn armed struggle does not mean abandoning our principles. We do not turn our backs on the fight for social justice – instead, we embrace a new approach to struggle, one that aligns with the rule of law and collaboration among all sectors of society.”

Nangangahulugan ito, na namulat na ang mga mata at isipan nitong mga nagsisukong mga miyembro at opisyal ng komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

At ngayong nagbalik-loob na sila sa pamahalaan, napagtanto nilang mali pala ang kanilang pinaniniwalaang idolohiya. At ang pagmamalasakit ng pamahalaan sa mga mahihirap na, sabihin na nating ‘gaya nila’, ay totoo pala.

Na ang pamahalaan ay noon pa palang nagsisikap na matulungan ang mahihirap nating mga kababayan lalo na sa mga kanayunan, kaya lang ay kinubakob at ginugulo ng CPP-NPA-NDF.



At nang malinis ng militar ang mga lugar na ito at napasuko na ang karamihan sa kanila, dumaloy ang mga proyekto, serbisyo at tunay na pagmamalasakit ng gobyerno sa kanila.

Walang pinaka-mainam talaga kung di ang magsama-sama para sa kaunlaran at kapayapaan. Kung walang mga nanggugulo matagal na sigurong hayahay ang buhay nating lahat.