Advertisers

Advertisers

‘DI DAPAT MAG-PANIC SA TAAL — MARCOS

0 20

Advertisers

NILINAW ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na hindi na kailangang utusan ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno kaugnay ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Ginawa ni PBBM ang pahayag kasunod ng panibagong aktibidad ng Taal kung saan itinaas ito sa blue alert status ng Phivolcs.

Sa isang ambush interview sa Pasig City, sinabi ng Pangulo na alam na ng mga ahensya ng pamahalaan ang gagawin pagdating sa paghahanda sa mga kalamidad tulad ng mga bagyo at pagputok ng bulkan.



Aniya, ang kailangan lang na gawin sa ngayon ay i-monitor ang sitwasyon.

Wala rin naman aniyang dahilan para mag-panic at hindi raw aniya dapat ito alalahanin masyado lalo pa’t wala pa rin namang babala ang Phivolcs hinggil dito. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">