Advertisers

Advertisers

Publiko, hinimok ni Mayor Honey na maghanda ng maaga sa Undas

0 75

Advertisers

INATASAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang Manila North Cemetery na maglabas ng schedule nang higit na maaga para sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day sa November. Kasabay nito ay hinimok niya ang publiko na maghanda ng maaga para sa Undas dahil ang deadline sa paglilinis ng mga puntod at nitso ay hanggang sa October 25, 2024 lamang.

Sinabi ni Lacuna na sa ganitong paraan ay makapaghahanda ang mga bibisita ng mas maaga, dahil ang MNC na pinamumunuan ni Director, Yayay Castaneda ang pinakamalaking sementeryo sa bansa at may pinakamaraming bumibisita tuwing Undas.

Ayon sa advisory na ipinalabas ng tanggapan ni Castaneda, ang mga may mahal sa buhay na nakalibing sa nasabing sementeryo ay maaaring maglinis, magpintura ng mga puntod at nitso hanggang Oct. 25 at pagkatapos ng nasabing petsa ay hindi na papayagan ang sinuman na maglinis ng kanilang puntod.



Samantala, ang cremation naman ay suspendido hanggang matapos ang October 28 habang ang tanggapan ng MNC ay sarado mula October 27 hanggang November 3, 2024.

Lahat ng serbisyo kabilang ang cremation at libing ay magbabalik sa November 4.



Mula October 24 hanggang November 4, ang main gate ng MNC ay bukas mula 5 a.m. hanggang 5 p.m. lamang.

Gaya ng dati, sinabi ni Lacuna na mula October 28 hanggang November 4, lahat ng intoxicating drinks ay bawal kabilang na ang mga alagang hayup, flammable materials tulad ng thinner at pinturam Bawal din ang baril, kutsilyo at mga kauri nito.Paraphernalia sa pagsusugal at pagpapatugtog ng malakas ay bawal din. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">