Advertisers
FEEL daw ni Mayora Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan na siya ay “betrayed” o pinagtaksilan ni Yorme Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ganun?
Bakit, nagsumpaan ba sila na “sa hirap at ginhawa, magsasama, hanggang kamatayan”?, anak ng kabayo naman oh.
Ang totoo, kayo ni VM Yul Servo ang nagtaksil sa mamamayang Manilenyo, at kay Yorme Isko, mantakin nyo, pinabayaan nyo na muling mag-amoy kasilyas ang Maynila.
Kaya ano ang sigaw kahit sa iyong mga meeting sa mga taga-Maynila: “Umalis ka na, walang ibabalik!”
Hindi na raw kayo pababalikin sa cityhall kasi kayo ang mga”taksil” sa sinumpaang tungkulin na palalaguin at pauunlarin nyo ang Maynila, e ano ang nangyari.
Nabulok at patuloy na nabubulok ang Maynila — na noong si Isko ang alkalde, maipagmamalaking sabihin na ito ang Capital City ng Pilipinas.
E, ang biro nga, nawala na ang “capital” na Maynila, kasi, nakabaon ito sa utang — joke e, walang kapital (puhunang pera) kasi naubos na.
Proofs, sinagasa nyo ang mga kalaban nyo sa politika sa sesyon ng City Council para agad-agad, i-approve ang P25-bilyon budget for 2025.
Hindi nyo pinaporma ang tropa ni 4th district Councilor Joel Villanueva at pinagtulungan ng kapatid mo, Mayora, at ng anak ni suspected multi-millionaire Rep. Benny Abante Jr. — si Konsi Benny ‘Fog’ Abante III, wala nang tanong-tanong pa, wala nang pag-uusisa pa kung saan, kanino, at paano ipopondo, niratsada niyo ang pagpasa ng P25-B ng gobyernong pabaya sa Maynila.
Utak diktador kayo riyan, e sabi nyo, demokratiko kayo sa City Council, pero bakit binusalan nyo ang minorya, bakit sinisibak nyo ang tulad ni SK Federation president Councilor Juliana Rae “Yanyan” Ibay at pinipisil ang leeg ng mga ayaw sa inyong patakaran.
Mapaghigante ang gobyerno nyo, Mayora Honey at ang kakutsaba mong si Servo, parang manikang sunud-sunuran lang sa gusto mo at basta may kumontra, ginigiba lalo na kung mapaghinalaang tagasuporta ni Yorme Isko.
Totoo ba ang tsismis na kaya minadali nyo ang P25-B na badyet ng Maynila, kasi ubos na raw, wala nang laman ang kaha de yero ng cityhall?
Gusto sanang itanong ng minorya kung saan kukuhaning bulsa ang minadaling P25-B, iniriles na nyo na parang bagon ng tren ng LRT at ang kokontra, sagasa ang magiging kapalaran.
Kaya totoo pala ang kalat na kalat na video sa inyong mga miting at paggagala sa mga eskinita, kalye ng Maynila na ang sigaw ng mga residente na maririnig ay: “Umalis ka na, wala nang babalik, wala nang ibabalik!” — na ang ibig sabihin, hindi na kayo pababalikin pa sa 2025 sa upuan nyo sa cityhall.
Natawa ako at naaawa rin, kasi sa isang miting nyo, maririnig ang sigaw ng mga bata sa harap nyo, sabi, “Yorme, yorme, yorme!”
E, pag Yorme ang isinisigaw, si Mayor Isko Moreno ang tinutukoy.
Kung ikaw, Lacuna ang isinisigaw, dapat ang maririnig ay, “Lacuna, Mayora,” pero “Yorme, yorme” ang sinsabi ng taumbayan.
Hindi na tumatalab ang paawa effect nyo na kayo ay “betrayed” ni Yorme Isko kasi ito ay bumabalandra sa mukha nyo, kasi ang sabi ng mga tao, kayo ang nag-betrayed sa tiwalang ibinigay sa inyo noong 2022 at ang iniwang legacy ni Yorme Isko ay hindi nyo naipagpatuloy.
Kung sa tao, malusog na iniwan ni Kois ang Maynila, at ngayon, imbes na lumaki, nabansot ang paglago ng kabuhayan ng lungsod.
Kaya ang motto at sigaw ng Manilenyo, “Honey en company, layas na, alis na!”
Ang prediksiyon ng marami, Yorme Isko at katropa, on this 2025 elections, Isko and his team will and shall win bigtime.
O siya nga pala mga kapatid, sa Martes last day – October 8 – ay iharap ni Yorme Isko ang kanyang Certificate of Candidacy (CoC) para sa dramatikong pagbabalik nito sa city hall sa halalang tuluyang magpapalayas sa bastos at pabayang administrasyon ngayon sa siyudad ng Maynila.
Abangan!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisma@yahoo.com.