Advertisers

Advertisers

Naggagandahang obra ng PDLs, kinilala sa 1st Nat’l BIDA Painting, Handicraft-making, at Song-Writing Challenge ng BJMP

0 14

Advertisers

Naggagandahang obra ng PDLs, kinilala sa !st Nat’l BIDA Painting, Handicraft-making, at Song-Writing Challenge ng BJMP

Bilang bahagi ng pagtatapos o pagpapaalam ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa ahensya, nakibahagi at pinangunahan niya ang pagpaparangal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa mga nanalong entries ng Persons Deprived of Liberty (PDL) sa isinagawang 1st National BIDA Painting, Handicraft-making and Song-Writing Challenge na proyekto ng BJMP sa Shang-rila Plaza sa Mandaluyong City nitong Linggo.

Namangha si Abalos sa mga naggagandahang entries ng PDLs sa paligsahan para sa kategoryang handicraft, painting at song writing partikular na sa mga nanalo.



Sa pagkabilib ni Abalos sa trabaho ng PDLs, hiniling ng Kalihim kay BJMP Chief, Director Ruel Rivera na ipagpatuloy ang programa na nagbibigay pagkakataon sa bawat PDL na mailabas at maipakita ang kanilang galing at talento kung saan ay malaki ang naitulong nito sa kanilang pamilya kahit na nasa loob ng rehabilitation center.

Sa okasyon, inanunsyo na rin ni Abalos ang kanyang planong pagtakbo sa pagkasenador para sa mid-term election sa Mayo 12, 2025 sa ilalim ng administration slate kung saan ay awtomatiko na siyang resigned. Nag-file na kahpon ng kanyang cedrtificate of candidacy si Abalos..

“Sa pagbitiw ko bilang Kalihim, sana lang Ruel (Rivera), ituloy niyo itong proyekto na ito. To highlight to the country na marami tayong magagaling na PDL na gustong magbagong buhay at dapat malaman ng buong bansa ito,” pahayag ni Abalos.

Sa kasalukuyan, ang mga winning paintings, handicraft works at iba pang entries at iba’t ibang produkto na gawa ng mga PDL ay naka-exhibit sa ground floor ng Shang-rilla Plaza.

Ayon sa BJMP, ang mga exhibited finished products ng PDLs ay “for sale”.



“Kaya natin ginawa ‘to dahil alam naman natin na ever since bilib talaga tayo sa mga obra. Nakita naman natin ang mga materyales na ginamit eh kung ano lang pero magkikita mo yung galing at talento, yung epoxy ginawang dragon…yung galing ng kamay,” pahayag ni Abalos matapos na parangalan ang mga nanalo.

Ayon kay Rivera, sa tulong ni Abalos, nakipag-ugnayan na rin ang ahensya sa Department of Labor and Employment (DOLE) para seguruhin na magkaroon ng trabaho ang lahat ng lalayang PDLs sa ilalim ng proyekto ng DILG na “After Care” program.Ang naturang programa ay naseguro sa pamamagitan ng memorandum of agreement (MOA).

Ang importante, lahat ng nadapa ay matutulungan at dapat tumayo ulit…which is the essence of rehabilitation and correction,” pahayag pa ni Abalos.

Lumahok naman sa nasabing tatlong kategoriya ng tahasan ng galing ay ang lahat ng rehabilitstion center sa buong bansa, mula region 1 hanggang 13 at ang Cordillera Autonomous Region at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ayon kay Rivera, hindi lamang pang-nasyonal ang kategoriya ng pagpili sa nanalo kung hindi mayroon rin regional level.

Sa national painting challenge category ang first place ay ang “Paglaum” ng Cebu City Jail Male Dormitory; ikalawa ay ang “Guhit” ng Tagumpay” ng Las Pinas City Jail Male Dormitory; at ang ikatlo ay ang “Oras ng Pagsisisi tungo sa Pagbabago”.

Pinasalamatan naman ni Rivera ang lahat ng PDLs sa kanilang kooperasyon dahil kung hindi sa kanilang ipinamalas na talento hindi maging matagumpay ang protyekto.

Nangako din ang hepe ng BJMP, na kanyang ipagpatuloy ang proyekgto o gagawin taunan ang nasabing paligsahan na kung saan ay malaki ang maitutulong sa mga PDL gayondin sa kanilang pamilya.

Sa mga nanalong PDLs, saludo kami sa inyong naggagandahang hindi matatawaran obra. Congratulations sa BJMP…congratulations Director Rivera sa matagumpay na proyekto.