Advertisers
Tuluyan nang nalalantad sa pananaw ng sambayanan ang postura ng NARCOLIST ni EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE na FAKE ang pinalalabas na pagsugpo sa illegal na DROGA at sa halip ay ginamit itong personal vengeance at pagkontrola sa mga politikong kumakalaban sa nakaraang administrasyon.
Sa isinasagawang CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) HEARING ay iginigiit ng PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA) na nasa 3,363 ang mga pangalang sangkot sa illegal drugs ang kanilang isinumite noon sa tanggapan ni EX-PRES. DUTERTE na hindi umano kasama o kabilang sa listahan ng ILLEGAL DRUG TRADES ang pangalan ni EX-ILOILO MAYOR JED PATRICK MABILOG.
Inihayag ng ng PDEA OFFICIALS na isinama lamang ang pangalan ni MABILOG sa sumunod na listahan na ginawa ni PEX-PRES. DUTERTE.., na ayon sa paglilinaw ng PDEA ay naglabas lamang sila ng paunang listahan na naglalaman ng 3,363 pangalan at personalidad na konektado sa droga.., gayunman ay dinagdagdan umano ito ni DUTERTE sa pangalawang listahan at lumobo ito sa 6,191 at pinagsama ito sa listahan ng PDEA.
Lalo pang nadagdagan ang bilang ng mga pangalan na rito ay naisama na ang pangalan ni MABILOG at umabot na sa 6,221.., na ayon pa sa PDEA, ang papel na ito ay opisyal na tinawag na listahan ng Pangulo o PRRD list o ang DUTERTE NARCOLIST.
Ang ikalawang listahan ay galing kay DUTERTE na ipinapalagay na naglalaman ng mga pangalang nais mawala ni EX-PRESIDENT at ayon pa sa PDEA.., ang ikalawang listahan ay nakuha mula mismo sa Tanggapan ng EX-PRESIDENT
noong Agosto 29, 2017.
Mariing itinanggi ni MABILOG ang anumang partisipasyon sa kalakalan ng droga at iginiit na isinama lamang siya sa listahan dahil sa pulitika.., na tinawagan pa siya ni dating PNP CHIEF at ngayo’y SENATOR BATO DELA ROSA si
MABILOG bilang pagsimpatiya sa kanya.., gayunpaman ay nagduda si MABILOG sa sinseridad at pagiging totoo ng tawag ni SEN. BATO.., e sino nga naman ang hindi magdududa sa intensyon ni BATO lalo na’t kilala itong isang mamamatay-tao at sunud-sunuran sa anumang ipag-utos ni DUTERTE. Kilala rin si BATO bilang unang PNP CHIEF sa DUTERTE ADMINISTRATION na ito ang arkitekto sa BLOODY WAR ON DRUGS.
Ilang sandali lang ay tumawag naman ang isa pang opisyal ng PNP at sinabihan si MABILOG na huwag nang bumalik sa ating bansa dahil pipilitin siyang ipaturo ang mga personalidad na sangkot sa droga.., na kabilang sa mga
personalidad na ididiin nito ay sina MAR ROXAS at pinsan niyang si FRANKLIN DRILON na kinikilalang dalawang pinuno ng oposisyon at mga LIBERAL PARTY LEADER noong panahong iyon.
Nanirahan si MABILOG sa ibang bansa nang pitong taon dahil sa takot na siya’y mapatay ni DUTERTE.., na kamakailan lang siyang bumalik sa bansa upang ilantad ang katotohanan sa likod ng DUTERTE NARCOLIST at ang mga mabibigat na reyalidad na kinaharap niya dahil sa mga kasinungalingang ipinahayag ng EX-PRESIDENT.
Sinubukang pasinungalingan ni SEN. BATO ang testimonya ni MABILOG sa pagsasabing ito ay isang “fishing expedition” lamang at isang demolition job ng oposisyon ni DUTERTE na isang desperadong hakbang
ito ni BATO upang mailayo ang usapin sa kanya at itago ang katotohanan.
Si SEN. BATO ang pangunahing nagpapatupad ng WAR ON DRUGS ni DUTERTE at kailangan niyang sagutin ang libu-libong buhay na nawala sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang PNP CHIEF.
Ang DUTERTE NARCOLIST ay ginawa sa mga unang yugto ng pagkapangulo ni DUTERTE bilang isang madilim na dahilan upang alisin ang sinumang oposisyon, upang magkaroon siya ng lubos na kapangyarihan sa bansa.., isang klasikong hakbang ng isang DICTATORSHIP at ito ay isang kill list mula kay DUTERTE para patahimikin ang kanyang mga kritiko.., na batid na ang baluktot niyang mga plano sa ating bansa ay kabilang ang pagpapalakas ng kartel ng droga ng mga Tsino sa bansa at pagbebenta ng ating mga lupa sa mga dayuhan.., lahat ay para sa kanyang sariling kapakinabangan.
Sa likod nito ay si dating PNP CHIEF BATO na ginamit ni DUTERTE bilang pangunahing HITMAN.., na ito ay panlilinlang ni DUTERTE na nagawang ikondisyon ang isipan ng mga mamamayan na mayroon siyang sagradong misyon.. linisin ang bansa mula sa matagal nang problema sa droga; subalit sa katotohanan ay ginamit niya ang kanyang pagkapangulo upang palakasin ang sarili niyang kartel, tanggalin ang kanyang mga kakumpitensya, at patayin ang sinumang hahadlang sa kanyang daan!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.