Advertisers

Advertisers

7-anyos ginahasa ng kapitbahay

0 8

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaki na inireklamo ng pangmomolestiya sa kanyang kapitbahay sa Barangay Escopa, Quezon City.

Ayon kay Police Captain Jerryzaldy Tugbo, deputy station commander ng QCPD Station 13, subject ang lalaki ng warrant of arrest para sa kasong ‘2 counts of rape by sexual assault’.

Naaresto ang lalaki sa bahay mismo ng kanyang magulang noong October 1.



Ayon sa ulat, 5 taon gulang pa lamang ang babaeng biktima nang una siyang molestiyahin ng suspek noong 2020.

Magkapitbahay ang suspek at ang biktima.

Bulag ang nanay ng biktima kaya kadalasan siyang humihingi ng tulong sa suspek para mabantayan ang bata.

Pero kalaunan ay nalaman nilang pinagsasamantalahan na pala ng suspek ang bata kaya kinasuhan na nila ang lalaki.

“Nangyari itong kaso ito last pandemic 2020 five years old yung namolestiya niya. Nagsumbong yung bata pero hindi nagsampa ng demanda yung mga magulang. Then naulit ito nung mag-7 years old na yung bata so doon na nag-file ng demanda laban dito sa akusado natin,” sabi ni Tugbo.



Ikalawa sa most wanted persons list ng stasyon ang naarestong lalaki. Dati na siyang nakulong dahil sa pagsusugal.

Itinanggi naman ng suspek ang paratang.