Advertisers

Advertisers

Mayor Gatchalian sa NLEX RFID system: Highway robbery

0 236

Advertisers

INILARAWAN ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na isang “highway robbery” ang aberya sa North Luzon Expressway (NLEX) kahit may RFID na o radio frequency identification.
“Prepaid ang RFID, kinuha na nila yung pera natin, pero pag dadaan ako dun [sa NLEX] hindi ako makadaan. Tumatawag pa ako sa kanila para makadaan at maayos ‘yan. So parang sa opinyon ko nga, parang highway robbery yun eh, literal na highway robbery,” aniya.
“Imagine mo prepaid yan, ang dami nating inobliga mag-prepaid, pero walang katumbas na maayos na serbisyo, so technically nalalapastangan na ‘yung consumer rights natin.”
“Sabi nga namin masyadong matagal ‘yung 15 araw,” aniya. “Seven years na itong problemang ito, ‘di na bago ito, pero bakit ngayon lang sila nagkakandarapa ayusin?”
Kasalukuyang may anim o pitong toll plaza ang NLEX sa Valenzuela City.
Sinabi ni Robin Ignacio, senior traffic manager ng NLEX/SCTEX, na ang mabigat na daloy ng trapiko ay dahil sa mga motoristang kumukuha pa lamang ng RFID stickers o kaya ay walang load.