Advertisers

Advertisers

Kandidatong manlalaro!

0 9

Advertisers

Bukod kay kasalukuyang Cong. Franz Pumaren ng ikatlong district ng Quezon City ay may ilan ding mga dating atleta na nag-file na ng kandidatura sa COMELEC.

Tatangkain ng ex-PBA player at coach na mai-extend pa ang termino sa Kongreso.

Pareho niya si swimming legend Eric Buhain na gusto pa maging kinatawan ng unang district ng Batangas.



Nandiyan din si taekwondo champ na si Monsour del Rosario na tatakbong bise-alkalde sa Makati.

Vice-mayorship din ang target ni Dondon Hontiveros. Acting VM siya now ng Cebu City at ibig niya maging permanente na ito.

Nais naman manatiling mga konsehal ng San Juan City sina Don Allado, James Yap at Paul Artadi habang si Rey Evangelista na reelectionist sana sa Ormoc sa Leyte pero hindi na interesado. Ito raw ay para mas marami siyang oras sa pamilya at negosyo.

Itong dating cager na si Paul “Bong” Alvarez ay kabilang naman sa mga nais maging miyembro ng konseho ng Maynila. Sa ikatlong district o Quiapo- Sta Cruz’Binondo-San Nicolas area ito ng capital city.

Ireng si Danny Ildefonso ay konsehal naman dineklara sa Urdaneta sa Pangasinan. Siguro mangangampanya rin ang kapwa basketblista niyang anak na sina Dave at Sean.



***

May isang matangkad na Canadian na estudyanteng gumagawa ngayon ng pangalan sa kanyang bansa. Ang 7 feet 9 inches at 18 años na si Olivier Rioux ay sinasabing pinakamalaking player kung makapasok sa NBA. Dati si Manute Bol ay 7’7 lamang. Tiyak paghahandaan siya ni Victor Wembanyama.

Sa Pinas naman ay inaabangan ang dayunyor ni Ranidel de Ocampo na 16 na taon na ngayon. Si Deydi ay halos 7 footer na bahagi ng Ateneo Blue Eaglets.

Siya kaya ang papalit sa tronong future ng Philippine basketball na si Kai Sotto?

***

Isang isyu pang tinalakay natin noong maging bisita natin sa OKS@DWBL si Akiko Thomson ay ang problema ng meddling parents sa swimming.

Bagama’t marunong ang tatlong anak ni Akiko lumangoy ay hindi sila gaanong competitive sa sport.

Yung dalawang lalake ay football ang paboritong game. Ang unica hija naman ng ating 8x gold medalist sa SEA Games ay may down syndrome.

“Naiintindihan ko ang mga magulang na over-protective sa kanilang mga anak nguni’t dapat alam nila ang hangganan ng pakikialam sa mga coach at mga opisyal,” wika ng lider ng mga Pinoy Olympian.