Advertisers

Advertisers

GOV. FERNANDO AT VICE GOV. CASTRO, SASABAK ULI SA MIDTERM ELECTION 2025

0 21

Advertisers

NAGHAIN na ng kanilang kandidatura sa pagka-gobernador at bise gobernador sina re-electionist Bulacan Gover­nor Daniel Fernando at re-electionist Vice Governor Alexis Castro para sa 2025 elections kamakalawa ng umaga sa Hiyas Convention Center sa nasabing siyudad.

Sinamahan sina Fernando at Castro ng kanilang mga suporters at kapwa mga kandidato ng National Unity Party NUP nang maghain sila ng kanilang COC sa harap ni Atty. Mona Ann Aldana Campos, Provincial Election Supervisor.

Si Fernando ay nasa huling termino na ng kanyang panunungkulan bilang gobernador, samantalang si Castro naman ay nasa kanyang pangalawang termino bilang bise gobernador.



Nais nina Fernando at Castro na ipagpatuloy ang kanilang tapat na paglilingkod sa mga Bulakenyo ng maagang maghain ng kanilang certificates of candidacy (CoCs) para sa 2025 midterm elections.

Bago maghain ng kanilang kandidatura, dumalo muna sina Fernando at Castro sa isang 6 a.m. Banal na Misa sa Malolos Cathedral kasama ang buong provincial slate ng National Unity Party at kanilang mga tagasuporta.

Sa naging panayam kay Fernando, sinabi nito na ang kanyang prayoridad na programa para sa susunod na tatlong taon ay ang pagsusulong ng isang mega dike at water reservoir project upang matugunan ang ilang dekada nang problema ng pagbaha sa lalawigan.

Sinabi naman ni Castro na buo ang kanyang suporta kay Gob. Fernando, lalo na ang 10-point agenda nito na siyang sentro ng paglilingkod ni Fernando.

Parehong showbiz personalities sina Fernando at Castro bago pumasok sa pulitika.



Nakapaghain na rin ng kanilang COC sina dating Gobernador Wilhelmino Alvarado sa ilalim ng PDP-Laban at dating Meycauayan City Vice Mayor Salvador Violago sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas na parehong kandidato bilang gobernador ng Bulacan.
Samantala sa ikapitong araw ay naghain ng Certificate of Candidacy (COC) ang mga kinatawan ng Damayang Filipino Movement Incorporated (DFMI) Party-list mula sa lalawigan ng Bulacan.

Kakatawanin ang naturang party-list ni 1st nominee Athenie R. Bautista, 2nd nominee Arch. Noel Ramirez at 3rd nominee Atty. Macky Siason.

Personal na sinamahan ni DMFI Founder People’s Governor Daniel R. Fernando ang mga nominado ng nabanggit na party-list.

Aniya, malaki ang maitutulong ng marginalized sector na Damayang Filipino Movement Inc. sa pangangailangan ng komunidad.

Tiniyak naman ng mga nominado ng DMFI, na ipagpapatuloy nila ang mga nasimulan na pagtulong sa mamamayang Pilipino sa ibat-ibang panig ng bansa.

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.