Advertisers

Advertisers

BONG GO SUSUNOD NA TARGET NG QUADCOMM

0 83

Advertisers

UUNGKATIN ng Quad Commiittee, o QuadComm, ng Kamara de Representante, ang papel na ginampanan ni Bong Go upang bigyan ng koneksyon, o linya, ang mga kriminal na galing Tsina kay Gongdi. Kasamang pag-aaralan ng QuadComm ang papel ni Bong Go sa paglaki at pagdami ng kompanyang POGO simula 2017 na pawang nagdulot ng maraming problema sa bansa. May mga ulat na mga kriminal na Tsino ang nasa likod ng POGO sa bansa.

Ungkatin rin ng Quadcomm ang papel ni Bong Go kung paano nagkaroon ng linya kay Gongdi si Michael Yang na iniugnay sa maraming krimen sa bansa tulad ng human trafficking, money laundering, at illegal drug trading. Nabalitang itinaguyod ni Bong Go ang paghirang ni Gongdi kay Michael Yang bilang presidential adviser on economic affairs. Kasami rin si Tony Yang, kapatid ni Michael, na may papel sa mga POGO.

Naunang nabisto ang mga taong nagpapasok at nagpalago ng mga kompanyang POGO sa bansa. Isa-isa na silang sinisipa palabas ng bansa at dinudurog ang kanilang imprastraktura. Pinaniniwalaan na isa si Bong Go na umimpluwensya kay Gongdi na papasukin sila. Hindi malaman kung iimbitahan si Gong Go upang magpaliwanag sa QuadCom na binubuo ng mga komite ng illegal drugs, public safety and order, public accounts, at human rights.



Mayroon inter-parliamentary courtesy ang dalawang sangay ng Kongreso. Nagbibigay galang umano sa bawat isa. Hindi namin alam kung mahalaga ito sapagkat maraming nakakabatid na malalim ang papel ni Bong Go sa mga krimen ni Gongdi sa bansa. Kasalukuyang tumatakbo bilang reeleksiyonistang senador si Bong Go bagaman hindi siya binibigyan na malaking pag-asa na makabalik sa Senado.
***
HINDI kami magtaka kung maihi sa kaba si Gongdi at alipures na si Bato at Bong Go. Hinirang na bagong kardinal ng Roman Catholic Church si Archbishop Ambo David ng Diocese of Caloocan. Maraming alam si Ka Ambo tungkol sa bigong giyera kontra droga ni Gongdi. Siya ang nagkanlong sa pamilya ng mga biktima ng EJKs sa kaya nasasakupan at karatig. Hindi pinagkaitan ng tulong at proteksyon ng Simbahan ang mga pamilya ng biktima ng war on drugs ni Gongdi. Epektib siya.
***
MAKAKASAMA ni Ka Ambo sina Cardinal Chito Tagle at Cardinal Jose Advincula. Kasama rin ang dalawang nabubuhay na kardinal: Gaudencio Rosales, archbishop emeritus of Manila, at Orlando Quevedo, archbisho emeritus of Cotabato. Dahil pareho na silang nasa 80 anyos, hindi na sila makakasali sa paghalal ng bagong santo papa.

Ipinagnak si Ka Ambo sa Betis, Pampanga. Naging pari siya sa Archdiocese of San Fernando noong 1983. Noong 2006, naging auxiliary bishop siya ng San Fernando at naglingkod doon hanggang inilipat siya sa Caloocan archdiocese noong 2015. Pari siya sa loob ng 41 taon at obispo sa 18. Kinikilala si Ka Ambo bilang isa sa mga pangunahing biblical scholar. Nagtapos siya ng doctorate in theology sa Catholic University of Louvain in Belgium.

Kinilala si Ka Ambo bilang isa sa pangunahing tinig ng Simbahan kontra sa mga patayan sa ilalim ng administrasyon ni Gongdi. Ikinalungkot ni David kung paano tinawag ang mga siyudad ng Caloocan, Navotas at Malabon bilang “killing field.”
***
PINANGALANAN ni House Deputy Speaker David ‘Jay-jay’ si Rose Nono Lin, isa umano sa may-ari ng Pharmally Pharmaceutical Company na isinangkot sa multi-bilyong pisong anomaly sa COVID-19 supplies noong panahon ni Gongdi, na kasama sa pinakamalaking Chinese criminal syndicate sa bansa. Sinabi ni Suarez na iisa ang criminal pattern ng sindikato.

Ginamit ng dating presidential adviser ni Duterte na si Michael Yang sina Gerald Cruz, Jayson Uson at Yugin Zheng habang si Allan Lim (Weixion Lin), asawa ni Rose Nono Lin, at itinalaga sila bilang nominee sa mga korporasyon na kanilang itinayo gamit ang pera sa illegal drugs, money laundering, online scamming, at illegal Philippine offshore gaming operations (POGO).

Si Rose Nono Lin ay nakapangalang bilang incorporator ng hindi bababa sa walong kumpanya na konektado kay Yang, ani Suarez. Ang mga nabanggit na pangalan ay nakalagay sa isang matrix na iprinisinta ni Suarez sa House Quad Committee hearing habang idinidetalye niya ang mga criminal operations ng mga ito.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Democracy dies in darkness.” – Jeff Bezos



“We always wait for the right time, not knowing that each time is right.” – Melanie Griffith
***
NAPULOT ko lang sa Net.

The main difference between journalists and bloggers is on the issue of public accountability. When a legitimate journalist makes mistakes either intentionally or accidentally, his media organization and peers would definitely censure him. Sanctions range from a simple reprimand to outright termination of services. Peers criticize or ostracize him. Every legitimate journalist is expected to follow the Journalist’s Code of Ethics. He is expected to know its letter and spirit.

Bloggers, particularly those identified with the government of the madman, are not accountable for their works. Suspended lawyer Trixie Cruz has made that admission in an interview in with Karen Davila. There’s no law that stops or sanctions bloggers from dishing out fake news. No matter how vicious, a blogger could not be held accountable because as Cruz has expounded and stressed that no law sanctions those pro-government bloggers.

My take is that journalists could be likened to medical doctors who have studied hard for their chosen career, paid tuition, underwent training, and are required to follow the Hippocratic Oath. They face sanctions if they commit medical malpractices. Those pro-government bloggers like Mocha, Stinking Pinoy, among others, are like quack doctors, who are not responsible even when their hapless patients die due to their illegal practice of medicine. They have no code of ethics to subscribe and follow.

***

Email:bootsfra@yahoo.com