Advertisers

Advertisers

P6.8 BILYON SHABU SHIPMENT SENYALES NG DUTERTE DRUG TRADES!?!

0 2,881

Advertisers

Tila ang kampaniyang WAR ON DRUGS ng nakaraang administrasyon ay hudyat ng tunay na motibo sa anyong inilulutang ang pagsugpo sa ILLEGAL DRUGS subalit sa tunay na galaw sa pagkakadiskubre ng P6.8 SHABU SHIPMENT ay silbing hudyat na lingid sa kaalaman ng mamamayan ay mismong ang ilang namuno sa ating bansa ang nagdidirehe para mamonopolyo ang ILLEGAL DRUG TRADES sa ating bansa.

Ating gunitain ang CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) hearing noong August 16, 2025 na ginanap sa VILLA DE BACOLOR CONVENTION CENTER ay ibinulgar ni EX-CUSTOMS INTELLIGENCE OFFICER JIMMY GUBAN ang linyahan ng katiwalian at kriminalidad na kinasasangkutan ng ilang matataas na opisyal ng DUTERTE ADMINISTRATION.., na ginulantang nito ang mga bumubuo ng CQC nang bawiin nito ang unang pagpapahayag niya noon sa pagsasangkot kay EX-COL. EDUARDO ACIERTO na konektado sa P6.8 bilyong SHABU SHIPMENT noong 2018 na ang TOTOONG may kinalaman ay ang mga malapit kay DUTERTE na kinabibilangan ng kaniyang anak na si PULONG DUTERTE; ang asawa ni VICE PRESIDENT SARA DUTERTE na si MANS CARPIO at ang EX- DUTERTE ECONOMIC ADVISER na si MICHAEL YANG.., na ang mga ito ang MASTERMIND sa nasabing SHABU SHIPMENT.

Isa pang inilutang na pangalan ay ang 1st DISTRICT DAVAO CITY COUNCILOR na si NILO “SMALL” ABELLARA JR na ito ay kilalang kaalyado at malapit na kasosyo nina PULONG DUTERTE, MANS CARPIO at MICHAEL YANG.., at sa pagsisiwalat ni GUBAN ay si SMALL ang nakikipagtransaksiyon sa lahat ng mga dapat na kausapin upang ang mga kargamento ay hindi na idadaan pa sa regular inspection dahil ang mga iyon ay DUTERTE SHIPMENT.



Sa pag-uusisa ng CQC ay inamin ni GUBAN na mayroong isang PRESIDENTIAL APPOINTEE ang nagbanta sa kaniya na huwag umano niyang babanggitin ang mga pangalan nina PULONG DUTERTE, MANS CARPIO at MICHAEL YANG dahil kung maglalakas-loob siyang pangalanan ang mga ito ay mamimiligro umano ang buhay ng kaniyang anak.

Hinggil sa isyu ay dumistansiya naman si VP SARA DUTERTE sa kaniyang asawang si MANS CARPIO.., na si SARA ay nagpahayag pa na si MANS ang dapat sumagot para sa kanyang sarili at tumanggi nang magkomento at ipagtanggol ang papel ng kanyang pamilya patungkol sa 2018 DRUG SHIPMENT CONTROVERSY.

Sa puntong iyon ay malinaw na alam ni VP SARA ang tungkol sa ILLEGAL DRUG TRADES ng kanyang pamilya at ang gawaing pag-iwan sa kanyang asawa ay isang desperadong pagtatangka sa pag-salba sa natitirang reputasyong iniwan niya sa mata ng publiko.., lalo na kung siya ay may masidhing hangarin na kumandidato bilang PHILIPPINE PRESIDENT sa 2028.

Ang iskandaloso na paglalantad na ito ay ganap na naaayon sa maraming ulat tungkol sa isang tinatawag na “DAVAO GROUP” (malawakang kilala sa Bureau of Customs), na direktang nagtuturo sa DUTERTE FAMILY sa ILLEGAL DRUGS IMPORTATIONS.., na malayo ito sa marangal na krusada laban sa droga na dating isinulong ni PEX-PRES. DUTERTE na “WAR ON DRUGS” ay halatang pagtatakip para sa pagmonopolyo sa ILLEGAL DRUG TRADES at pagpapatahimik ng oposisyon.

Sa paglalahad ng imbestigasyon ay naiiwan ang publiko sa malaking katanungan kung gaano kalalim ang ugnayan ng panlilinlang na ito.., ang tumatakbong krimen at kung may iba pang matataas na opisyal ang sangkot sa pagtatakip.., na ang testimonya ni GUBAN ay maaaring maging huling pako sa kabaong para sa DUTERTE DYNASTY.



Ipinangako ni GUBAN na makikipagtulungan ito sa CQC sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga impormasyon sa mga personalidad na magsisilbing pagpapatunay sa kaniyang mga pagpapahayag o pagbubulgar .., ika nga, gising na ang publiko at nakikita na ang mga naririyan ay ang mala-kartel na DAVAO GROUP.., kung saan ay kasama si RODRIGO DUTERTE na sumasalarawan bilang NOTOROUS PABLO ESCOBAR sa ating bansa.., na dapat ay kailangan lupigin sa pamamagitan ng CQC hanggang masadlak ang lahat ng mga sangkot sa loob ng piitan bilang pagpapakita ng kasalukuyang administrasyon na “NO ONE IS ABOVE THE LAW!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.