Advertisers
NATAPOS nang isailalim sa field functional testing and evaluation ang mga bagong procured na body cameras ng Philippine National Police (PNP) na nagkakahalaga ng P289-milyon.
Gagamitin ang mga nasabing body cam ng mga police operatives sa kanilang anti-illegal drug operations.
Pahayag ni PNP Directorate for Logistics MGen. Angelito Casimiro, ongoing ngayon ang pamamahagi ng mga body cam at configuration sa computer system para makita kung talagang gumagana ang mga ito.
Nasa mahigit 2,600 body cams ang idi-distribute sa national headquarters, regional police offices, provincial offices hanggang sa municipal police stations sa buong bansa.
Ayon kay Casimiro, sa sandaling tatanggapin o magkakaroon na ng acceptance mula sa PNP, magagamit na ng mga anti-drug units ang mga bagong procured na mga body cam sa kanilang mga operasyon.
Binili ang mga body camera para maging transparent ang anti-illegal drug operations ng PNP lalo na sa mga akusasyon laban sa extra judicial killings.
Samantala, naging kontrobersiyal din nuon ang pagkamatay ng 17 anyos na si Kian Delos Santos sa anti-illegal drug operations ng PNP.
Dahil dito, hinimok ang PNP na magkaroon ng body camera sa kanilang anti-illegal drug operations. (Josephine Patricio)