Ilang taong naging bgy. chairman… AngeliKa sasabak na bilang vice mayor ng Malabon; Maraming taga-showbiz ang pumasok sa pulitika
Advertisers
Ni Jimi Escala
OBSERBASYON ng nakausap naming isang kilalang showbiz insider na higit na mas marami raw ngayon na mga taga showbiz ang nagnanais pumasok sa pulitika, huh!
Pinangunahan ng Star for all Seasons na naging ehemplo ng mga taga showbiz pagdating sa public service at naghain ng kanilang COC.
Tatakbong gobernador muli ng Batangas si Ate Vi kasama ang mga anak niyang sina Luis Manzano for vice governor at Ryan Christian Recto naman as congressman ng Lipa, Batangas.
Nag file na rin si Nora Aunor, biglang 2nd nominee ng People’s champ party list.
Siyempre, kasama pa rin sa mga taga showbiz ang mga tatakbo muli bilang senador sina Bong Revilla, Tito Sotto, Lito Lapid at iba pa.
Tatakbo na rin sina Philip Salvador at Willie Revillame. Mga konsehales naman sina Abby Viduya, Mocca Uson, Angelu De Leon, Joaquin Domagoso, Aljur Abrenica at iba pa.
Sa Vice Mayor naman ay nandyan ang magkatunggaling Yul Servo at Chi Atienza and after ng ilang taon bilang barangay chairman ay susubok si Angelika Dela Cruz bilang vice mayor ng Malabon.
May kanya- kanyang kasamang mga supporters sa kanilang paghahain ng COC pero ang may pinakamaraming nag abang sa kanya ay ang nagbabalik Manila mayor aspirant na si Isko Moreno.
Kung ang pamilya ni Ate Vi ay full support ang mga Batangueño ay sinuportahan naman ng mga taga Cavite ang mga Revilla, huh!
***
SAMANTALA, nagbigay naman ng komento si Sen. Bong hinggil sa mga sinasabi ng iba na mga taga showbiz na walang karapatang pasukin ang mundo ng pulitika, huh!
“Ang masasabi ko sa mga papasok na mga bago, basta lagi nyo isasapuso yung kalagayan ng ating mahihirap na kababayan.
“Sa tingin ko naman, hindi natin puwedeng matahin kahit sino man. Karapatan nilang magsilbi, as long as nasa puso nilang magsilbi at pagmamahal sa bayan. Yun naman ang pinakaimportante,” sey ng senador.
Dagdag pa ni Sen. Bong sa interbyu sa kanya ni katotong Gorgy Rula na hindi raw naman napapaloob sa constitution na kailangang tapos sa kolehiyo o dapat isang abogado ang tumakbo sa anumang posisyon, huh!
“Wala naman sinabi sa batas o sa constitution na kailangan kang maging abogado para ikaw ay pumasok sa pagsisilbi sa bayan,” lahad ng asawa ni Cong. Lani Mercado na isa pa rin sa naghain ng COC.
Sana naman sa mga tatakbong artista at kapag pinalad ang mga Ito na manalo sa posisyong nais pasukin ay dapat na mag-aral ang mga ito lalo na yung mga kulang pa talaga sa karanasan bilang public servant, huh!
Ehemplo dito si Ate Vi na after manalo noon bilang mayor ng Lipa ay nag enroll sa University of the Philippines para sa isang crash course.
Bago nagdesisyong tumakbong gobernador ay nakagawa ng pelikula si Ate Vi na ilang araw na lang ay matatapos na.
Ito yung pelikulang “Uninvited” na malaki ang posibilidad na maihabol sa darating na Metro Manila Film Festival, huh!