Advertisers
Sa polisiyang “I LOVE CHINA” ni EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE ang tila nagsilbing OPEN DOOR sa naging panghihimasok ng CHINA sa lokal nating pampolitika at nahantong pa sa malaganap na katiwalian sa ating bansa.
Sa liderato noon ni EX-PRES. DUTERTE, ang ating bansa ay namayagpag sa iba’t ibang kriminalidad na epekto sa pagdagsa ng mga dayuhan partikular na ang mga TSINO na nagpasimuno sa mga illegal na PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATORS (POGO) dahil ang naging bunga ay mga kriminalidad tulad ng HUMAN TRAFFICKING, MONEY LAUNDERING at ILLEGAL DRUG TRADES
Itong mga illegal na operations ay namayagpag dahil hinayaan ni DUTERTE ang kapritso ng kaniyang mga kinaibigang TSINO…, na isang halimbawa nito ay ang kaso ni GUO HUA PING na mas kilala sa pangalang ALICE GUO at pinayagang tumakbo bilang MAYOR sa BAMBAN, TARLAC dahil sa matinding yakap ng administrasyon ni Duterte sa mga mga interes ng China.
Kamakailan lang Sa SENATE HEARING ay inihayag ni WANG FU GUI na isang CHINESE CITIZEN at kasamahan ng kilalang SHE ZHIJIANG na ang mga ambisyong pampulitika ni ALICE ay tinustusan mula sa intelihensiya ng TSINA.
Ang rebelasyong ito ay nagpapatunay sa pagiging isang piyesa lamang si ALICE GUO sa motibo ng TSINA sa pamamagitan ng pakikipag-alyansa ni DUTERTE kay CHINA PRESIDENT XI JINPING.
Mistulang ginawang palaruan ng mga operatiba ng TSINA ang PILIPINAS ni DUTERTE na ang kanyang administrasyon ay nagpapakita ng nakababahalang trend sa pagpapahintulot ng mga banyagang interes para magtakda ng mga kondisyon.., at bilang resulta ng mga patakaran noon ni DUTERTE ay ang bansa natin ang naging kanlungan para sa mga walang konsensyang aktor na suportado ng Tsina habang ang mga karaniwang Pilipino ay nagdurusa sa mga paghihirap.
Ang pagsalakay kamakailan sa isang ilegal na POGO sa BAMBAN, TARLAC ay nagbukas sa isang nakaririmarin na katotohanan.., na daan-daang mga manggagawang biktima ng human trafficking ang naging kaganapan habang si DUTERTE ay nakaupo lamang na walang ginagawa, nalulunod sa kanyang kaawa-awang pakikipagrelasyon sa CHINA.., at ang kanyang administrasyon ay nakulapulan ng mga katiwalian na komokonekta sa anino ni ALICE GUO.
Lumabas sa mga pagsisiyasat na ang fingerprint ni ALICE GUO at GUI HUA PING ay iisa.., subalit walang opisyal na mga rekord ng kanyang pamamalagi hanggang siya ay umabot ng 17 taong gulang na itong si ALICE GUO ay natali na sa kaniyang gawa-gawang kwentong lumaki siya sa bukid o farm.., pero wala siyang maipakitang konkretong ebidensiya bilang panuporta sa kaniyang mga ipinapahayag.
Bukod diyan ang mga pinansyal na ugnayan sa pagitan ng kumpanya ni GUO na BAOFU LAND DEVELOPMENT Inc., at iba’t ibang mamamayang Tsino ay nagdudulot ng matitinding epekto.., na ang mga operasyon ng money laundering at mga koneksyon sa mga indibidwal tulad ni MICHAEL YANG na isang dating tagapayo na umunlad sa ilalim ng DUTERTE ADMINISTRATION ay nagpapakita sa malaganap na katiwalian na pinahintulutan ng kanyang naging pamamahala.
Ang hayagang pagpapakumbaba ni DUTERTE sa TSINA kasama ang kanyang ganap na pagwawalang-bahala sa Konstitusyon ay nagbigay-daan sa hindi mapigilang paglaganap ng korapsyon.., na ang DUTERTE ADMINISTRATION ay nagdulot ng mapanganib na halimbawa.., at naglalagay sa panganib ng pambansang seguridad dahil pinapayagan ang mga kriminal at banyagang operatiba na makapasok sa mismong kalakaran ng PHILIPPINE GOVERNMENT!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.