Advertisers

Advertisers

Sapat na pondo sa Specialty Hospitals, iginiit ni Bong Go

0 13

Advertisers

Ikinabahala ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagliit ng alokasyon sa mga national specialty hospital kasabay ng pampublikong pagdinig para sa panukalang 2025 budget ng Department of Health (DOH).

Bilang tagapangulo ng Senate committee on health at vice chair ng Senate finance committee, binigyang-diin ni Go ang pangangailangan ng sapat na pondo para sa specialized medical facilities, tulad ng Lung Center of the Philippines, Philippine Heart Center (PHC), National Kidney and Transplant Institute (NKTI), at Philippine Children’s Medical Center (PCMC).

Iginiit din ni Go ang pangangailangang ayusin ang pagpapatupad ng Republic Act No. 11959, o ang Regional Specialty Centers Act na pangunahin niyang itinaguyod at isa sa mga may-akda, upang idesentralisa ang specialized medical services upang maging available sa lahat ng rehiyon sa bansa.



Idiniin ni Go na ang nasabing batas ay isang legislative priority.

“Hindi na po dapat pumunta ng Maynila ang magpapagamot sa Heart Center, NKTI, o Lung Center dahil magiging available na po ang serbisyo sa mga DOH hospitals sa iba’t ibang rehiyon,” aniya.

Sa pagdinig, sinabi ni Go sa DOH na dapat itong mag-update sa pagpapatupad ng batas, gayundin sa tungkol sa pondo para sa specialty centers na ito.

“On this note, we want to know from DOH the updates on the implementation of this law, batas na po ito, and the budget allotted in the proposed funding for our specialty centers such as Lung Center, Heart Center, NKTI, and Philippine Children’s Medical Center should also be explained and addressed,” udyok niya.

Pangunahing ikinabahala ni Go ang discrepancy sa badyet ng mga nabanggit na ospital na tumaas ngayong taon dahil sa hakbang ng kongreso pero lumiit o mababawasan ang mga alokasyon sa susunod na taon.



“Tumaas for this year dahil may congressional initiatives. Pero bumaba siya for next year,” ipinunto ng senador.

“We should also look into this and support additional funding for these hospitals. Importante po ito, ang haba-haba ng pila sa mga ospital na yan,” idiniin ni Go.

Tinalakay rin ni Go ang kahalagahan ng Super Health Centers na nagbibigay ng pangunahing health care services, kabilang ang consultations, early disease detection at minor treatments.

Ang SHCs, ayon kay Go, ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagpapalawak ng access sa mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa antas ng komunidad.

“I am also advocating for the continuous funding for the Super Health Centers, which I pushed for since 2022. Super Health Centers are primary care health facilities where consultation and minor treatment services will be available,” he explained,” paliwanag niya.

Ipinunto niya na ang maagang pagtuklas at pag-iwas sa mga sakit sa pamamagitan ng Super Health Centers ay malaking pagtitipid para sa gobyerno at mas magandang resulta sa kalusugan para sa mga pasyente.

“Mas makakatipid po kayo pag early detection at prevention para hindi lumala ang sakit.”

“Sana po, patuloy itong masuportahan sa 2025 budget, itong pagpapatayo ng mga Super Health Centers,” ayon kay Go.