Advertisers

Advertisers

Pagtakbo ni Quiboloy bilang senador, isang panunuya – DOJ

0 14

Advertisers

Dapat nang umaksyon agad ang pamahalaang Pilipinas at Estados Unidos kaugnay sa mga kasong kinakaharap ni pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang reaksyon ng Department of Justice (DOJ) bunsod ng paghahain ni Quiboloy ng certificate of candidacy (COC) sa pagka senador para sa 2025 elections.

Sinabi ni DOJ Assistant Secretary at spokesperson Jose Dominic Clavano IV na ang senatorial bid ni Quiboloy ay isang hamon sa gobyerno na madaliin ang pagresolba sa mga kinakaharap nitong kaso.



“What we want is for him to face the charges first and not to make a mockery of the election system, not to make a mockery of democracy,” ani Clavano.

Naniniwala si Clavano na ang kandidatura ni Quiboloy ay isang hamon din sa Estados Unidos na kumilos na para sa extradition ng naturang pastor.

Iginiit ni Clavano na hindi dapat maging senador ang isang akusado ng human trafficking lalo pa at mabibigat ang mga ebidensya laban kay Quiboloy.

Nabatid na hanggang sa kasalukuyan ay wala pang isinusumite na extradition request ang US government laban sa naturang founder ngn Kingdom of Jezus Christ (KOJC).

Nababahala din ang DOJ na maaring makakuha ng proteksyon si Quiboloy sa sandaling manalo bilang senador. Si Quiboloy ay nahaharap sa kasong child abuse sa Quezon City RTC at kasong qualified trafficking sa Pasig RTC.



Bukod dito, nahaharap din si Quiboloy ng mga kasong conspiracy to engage in sex trafficking of children, conspiracy at bulk cash smuggling sa Estados Unidos.(Jocelyn Domenden)