Advertisers

Advertisers

KATALINUHAN, KAKAYAHAN AT KATINUAN

0 37

Advertisers

“KUNG ako ay papasok sa pulitika isa lang ang ikinatatakot ko, at ito ay ang manalo dahil kapag nandoon na ako, mapapahiya lang ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Sayang lang ang pagboto sa akin ng mga tao…” Ito ang mga katagang namutawi sa bibig ng namayapang “Hari ng Komedya” na walang iba kung hindi si Dolphy nang tanungin siya kung may balak siya pumasok sa larangan ng pulitika. Napapansin ninyo napakarami ang kumampanya para sa darating na halalan, at ang karamihan sa kanila, kumbaga sa larong mahjong, pulos panapon.

Meron diyan tatakbo para ipatuloy ang tinayong dinastiya ng mga ninuno; nandiyan, dahil sikat sila noong araw, ang pakiramdam nila, may laman pa ang popularidad nila kahit wala laman ang ulo kundi hangin at yabang. Nandiyan ang nais tumakbo dahil gusto nila yakasan ang mga atrasong nagawa nila noong dating naluklok sa puwesto. Meron din iyong idinadaan sa “face value”, dahil kilala at madaling mapuna, kahit suplado sa personal. Pero ang pinakamalalang tatakbo sa halalan ay ang pakay ay magkamal ng salapi, o salaping nanggaling sa buwis ng taumbayan. Madaling makauto at makaloko ang mga ganitong kandidato, sa totoo lang. Sila ang maiiingay at panay papansin.

Kabaligtaran ng tatlong katanyagan na malimit napapansin at napipili ngayon ay ang magarbo, makulay, maingay. Mga nilalang na sa umpisa ay magpapaliw, ngunit, kalaunan, magpapaluha. Nasubukan na natin ang ganito kaya huwag natin sila balikan. Kailangan na natin maging mahigpit at mapanuri sa pagpili ng mga lider, kaya ang criteria natin ay dapat baguhin sa pamamagitan ng mga sumusunod:



1. Dapat pumasa sa Civil Service exams ang sinumang tatakbo sa posisyon.

2. Dapat may NBI Clearance.

3. Dapat may Police Clearance.

4. Medical Clearance.

5. Psychological Test patunay na ang nais tumakbo nasa katinuan ang pag-iisip.



6. Walang issue sa COA.

Daghang salamat sa nagsulat nito.

Ang tanong ng maliit na kolumnistang ito: Sino ang dapat piliin at ilalagay sa balota upang mahahalal? Sa laksa-laksang kandidatong dispalinghado, may lumalabas na ilan na may karapatan mamuno. Taglay nila ang tatlong K: Katalinuhan. Kakayahan at Katinuan. Himayin natin at sipatin ang pruweba ng mga pinili ng inyong abang-lingkod: Para sa Senado, sila ay sina Bam Aquino, Kiko Pangilinan, at Heidi Mendoza. Si Bam ay hindi lingit sa ginawa niya bilang campaign manager ni Leni Robredo sa kampanya nito sa pagka pangulo.

Bagaman nabigo si Leni, panalo si Bam dahil nagisnan natin ang galing at kakayahan ni Bam sa pamamalakad na ginamit sa kampanya. Natatalo man ang manok ‘eka nga, panalo sa husay ng pamamalakad sa kampanya ni Leni, na naukit sa kamalayan nating lahat. Nakaukit sa puso ng bawat manlulupa’t magsasaka si Kiko Pangilinan. Ang mga polisiya niya tungkol sa pagsasaka at agrikultura ang kailangan upang masisulong ang layuning agrikultural ng ating bansa. Natitiyak ko, sa pagkakataong ito, matutupad at maitutulak ang hangarin ng bayan na maging malaya sa pag-aangkat ng produktong agrikultural hangarin ng bawat magsasaka.

Sapantaha ko po matutupad ito kapag natupad ang pagiging senador ni Heidi Mendoza. Nakilala si Heidi sa kasagsagan ng madilim na yugto ng ating kasaysayan sa ilalim ng serial killer na dating pangulo Rodrigo Duterte. Binantaan ng mamamatay-taong dating presidente na ihuhulog siya sa hagdanan nang tumanggi itong sumunod sa utos, at katigan ang umiiral sa batas. Ininsulto, binantaan, ngunit nanatiling tapat sa tungkulin at reputasyon na halos tatlong dekada inalagaan. Dahil dito, tinanggal sa pwesto bilang COA commissioner. Sa kalaunan pinili niya ang paggiging guro at nagkaroon ng adbokasiya: Ang mamigay ng libreng laptop sa mga karapat-dapat na estudyante.

Magagandang gawain tungo sa magandang kinabukasa para sa magaaral. Dahil kaibigan ko si Heidi, nang nagbukas ng saloobin sa akin ang ale tungkol sa kanyang pagtakbo bilang senador, hindi ako nagpakumpik-tumpik at sinabi ko ang saloobin ko. Sinabi ko sa kanya na kahit sa kaaway hindi ko hahangarin ang pumasok ang sinuman sa pukitika, dahil lungga ito ng mga ulupong. Isang mundo, na sa kalaunan babaguhin ka, at kung hindi matibay, gugunawin ang haligi ng pagkatao mo. Ngunit sa kalaunan sinabi ko alam ko ang pagkatao niya, nasa kanya ang huling pasya, at alam ko kapag tumuloy siya magiging maganda ito para sa ating Bayan.

Marami pang mga nagprisenta na matitino at maaayos ang mga pagkatao tulad ni Luke Espiritu, France Castro atbp. na sasabak upang maging mambabatas sa Senado. Si Antonio Trillanes at Leni Robredo na sasabak sa pagka punongbayan ng Kalookan at Naga. Ang mga nabanggit ko ay halimbawa ng may taglay na walang pag-iimbot na dedikasyon sa kapuwa. Kaya pakiusap ko maging mapagnilay sa pagpili ng mga magiging lider. Subukan natin ang mga nabanggit ko. Huwag na ihalalal ang mga taong sariling kapakanan lang ang nais isulong.

Ilagak ang mga ito para sa basurahan at baul ng limot. Ihagis ang mga trapo at walang kwentang kandidato sa karapat-dapat nilang pwesto -sa lusak. Bigyan ng pagkakataon ang mga matitino. Sila ang magliligtas sa Bayan sa tiyak na kapahamakan. Iluklok ang mga matitino. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.

***

ANG makasaysayang Quad Commitee ng Camara ay nagsisilbing dagok na aalimpungat sa kamalayan mula sa matagal nitong paghimlay. Nakabagabag ang laki at lawak ng sapot ng impluwensya ng pulahang tsina. Nagsalita ang Vietnam nagsalita sa umiigting agresyon nito sa mga bansang pumapalibot sa karagatan ng katimugang tsina. Binatikos ng Vietnam ang tsina at mga kasapakat nito na nagpapakita ng mas marahas na hakbang laban sa mga mangingisda. Sa Asean Conference sa Vientiane Laos tila ang mga kasapi ng Asean ay naaalarma na.

Maging ang Japan South Korea ay nagsabi ng kanilang pangamba na ang situwasyon ay maaaring humantong sa malawakang sigalot sa rehyon at sinasabihan ang tsina na maghunos-dili. Alam na ng buong movimiento ndo ang pakay ng pulahang tsina, at batid din nila na walang magandang kahantungan ito. Matagal na minamanmanan ng pulahang tsina ang rehyon at naglalaway ito sa taglay na yaman nito.

Uulitin ko. Ang pulahang tsina ay kaaway, ang pulahang tsina ay pasimuno ng lahat ng suliranin mula sa pag-angkin ng teritoryo, pagkalat ng mga espiya, mga gawaing ilegal, at pagkalat ng maling impormasyon; sila ay makabagong Nazi Germany, na bunga ng kasakiman sa kapangyarihan ay magdudulot ng hirap at pighati sa lahat ng nakapaligid dito. Ayoko maging negatibo ngunit sa asta nila, hahantong ito sa katakutakot na gulo, bago ito humupa. Ngunit sa kabila ng lahat nandito pa rin ang mga makabayan na Pilipino na ipagtatanggol ang kasarinlan, at ang mga taksil ay unti-unting nakikilala. Sila, kasama ng manlulupig ay kakaladkarin sa kalsada at babalatan ng buhay. Maging maagap tayo.

***

JokTaym:

BITOY: “Dagul, bakit ang pandak mo?!?…”

DAGUL:Kasi noong bata pa ako, ulila ako…”

BITOY: Anong kaugnayan ‘nun sa pagiging pandak mo?!?…”

DAGUL:E siraulo ka pala, wala nga nagpalaki sa akin!!!…”

***

mackoyv@gmail.com