Advertisers

Advertisers

MAPANLINLANG NA TALINONG UGNAYAN NG DUTERTE AT CHINA!?!

0 2,076

Advertisers

Kung ating aanalisahin ang mga pagpopostura ni EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE sa tila lasing na mga pananalita nito o astang sanggano noong nangangampanya bilang PHILIPPINE PRESIDENT na pilit nitong ipinapakita ang talas ng kaisipan para makabuo ng magagandang pangungusap ay nagmumukha lamang itong katawatawa sa kaniyang nasasambitlang mga kataga.., ika nga ay ipinakita lamang nito ang kaniyang riyalidad sa kawalang-laman ng kaniyang kokote sa larangan ng moralidad.

E sino nga ba ang makalilimot sa kanyang katawa-tawang pahayag na mas magiging maganda ang kalagayan ng PILIPINAS kung susuyuin ito ng CHINA? Kasunod niyan ang walang pakundangang kinondena niya si SENATOR GRACE POE sa kanyang mga ambisyon na maging pangulo.., na sinasabing ang isang “dayuhan” na mamumuno sa bansa ay magiging isang napakalaking sakuna.

Yan na nga ang resulta.., na si DUTERTE pala ang yumakap sa mga dayuhan para maging bahagi sa pamamalakad ng gobyerno tulad ni GUO HUA PING na isang CHINESE CITIZEN.., wow para bang BOOMERANG na bawat pangungondena ni DUTERTE ay siya rin ang nasasapol dahil pilit itong nangungunyapit sa kapangyarihan sa kahit anong paraan na inuuna ang pansariling interes kaysa sa kapakanan ng mga PILIPINO at hindi kailanman nakitaan ng lehitimong estratehiyang pampulitika kundi isang kaawa-awang paghahanap para sa pansarili niyang kapakinabangan.



Ngayon, ang resulta sa naging pagmamahal ni DUTERTE sa CHINA ay pinapahirapan ang ating mga kababayan tulad sa inilunsad niyang WAR ON DRUGS na kanyang ipinagmalaki para sa pagpuksa ng kriminalidad.., pero, isa palang panlilinlang dahil lalo lamang namayagpag ang ILLEGAL DRUGS na nagmumula sa CHINA, na ang mga inosenteng taong naipit sa gitna ng putukan ay naging bahagi na lamang ng kategoryang COLLATERAL DAMAGE.., ginamit upang bigyang-katwiran ang barbarikong pagpatay sa mga hinihinalang drug offenders.

Tulad na lamang ng isang KERWIN ESPINOSA na hayagang nagmamakaawa at humihingi ng tawad kay EX-SENATOR LEILA DE LIMA dahil sa pagkaladkad sa kanya sa putikang FAKE DRUG TRADE SCANDAL ni DUTERTE.., na tulad din ni EX-MAYOR JED MABILOG ay naging biktima ng baluktot na laro ng DUTERTE POLITICKING nang siya ay ibilang sa DUTERTE NARCO LIST

Sa mabilis na paglipas ng panahon tulad sa isinasagawang CONGRESS QUAD COMMITTEE ngayon ay tuluyan nang nahuhubaran ang tunay na anyo ng isang EX-PRESIDENT DUTERTE mula sa rebelasyon ng mga RESOURCE PERSON ay nalalantad ang naging pangungunsinti nito sa mala-kriminal na sistema ng kaniyang mga kinaibigang CHINESE MAFIA na nagresulta sa karumaldumal na eksena sa nakaraang administrasyon.

Sa pagbabalik-tanaw sa naging DUTERTE ADMINISTRATION ay malinaw na ito ang naging hudyat sa naging pamamayagpag sa mga illegal transaksiyon ng PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATORS (POGO) tulad ng MONEY LAUNDERING, HUMAN/DRUG TRAFFICKING, ILLEGAL DETENTIONS, PROSTITUTIONS, IMMIGRATION BRIBERY SCHEMES, CYBERCRIME at LOVE SCAMS.

Kumbaga ., si DUTERTE ay nagsilbing PUPPET para sa interes ng CHINA at tahasang niyurakan ang kapakanan ng sambayanan.., ika nga e sulit ba ang naging katalinuhan ni DUTERTE sa pagpapakitang mahal niya ang kapakanan ng sambayanan o NABUDOL ang mamamayan sa katusuhan ng EX-PRESIDENT na ang reyalidad ay concern lamang sa kapakanan ng kaniyang pamilya’t mga ka-tropa sa sindikatuhang sistema?



Sa mga isinasagawang pagdinig ng CQC ay ibinibida na ni DUTERTE na handa na siyang dumalo.., pero darating nga ba siya na kung gagawin niya ito e magsasabi na ba siya ng totoo tungkol sa kanyang baluktot na relasyon sa Tsina, mga ilegal na POGO, at EXTRA JUDICIAL KILLINGS (EJK)?

Kung totohanin ni DUTERTE na HAHARAP na sa CQC HEARINGS e sasagot kaya siya nang may katalinuhan o baka ang maging eksena e mga kontradiksiyon sa bawat sasambitin niya dahil nakagawian na nito ang pabago-bagong mga deklarasyon., na para bang kekenkoyin lamang ang eksena para mapalabo o guluhin na isang taktika para matakasan nito ang mga ipinupukol laban sa kaniyang naging panunungkulan?

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.