Advertisers

Advertisers

BINHI NI DUTERTE AT DDS COLONEL SA BATANGAS CITY!

0 1,561

Advertisers

HINDI malilipol ang mga kailegalang naihasik sa panahon ng panunungkulan ni ex President Rodrigo R. Duterte, habang ang mga binhi ng kanyang rehiyemin ay nanatiling nakatanim sa lipunan ng lalawigan ni Batangas Governor Hermilando Mandanas.

Lahat na lamang na sensitibo at tinatawag na juicy position sa Philippine National Police (PNP) ay naiparaya ng dating Pangulo sa tinatawag na “Davao Boys”pagkaluklok nito sa Malacanang kaya’t napasok ang hanay ng PNP ng mga pulis na malalapit kay Digongnyo. Ang karamihan sa mga police officials na ito ay siya ngayong inaaakusang nagmalabis at kriminal na pulis .

Hindi maikakaila na nailagay ni Digong ang marami pang Duterte Die Hard Supporter (DDS) na police official at miyembro nito sa masasaganang posisyon mula sa PNP Headquarters, Camp Crame , hanggang sa mga Regional at provincial level position. Maging ang premier investigating arm ng bansa na National Bureau of Investigation (NBI) ay napasok na din ng “Davao Boys”



Naitanim ni Digong ang mga “Davao Boys” ng police at NBI official sa likod ng balatkayo ng pakikipag giyera ng Administrasyong Duterte laban sa droga at nang lumaon ay tinawag na ang mga itong Duterte Die Hard Supporters (DDS). Karaniwang nagmula sa rehiyong nakakasakop sa hometown na Davao City ni Digong nyo hanggang sa ibat ibang bahagi ng kabisayaan.

Nabiyayaan ang marami ding tiwali at korap na pulis sa pag-upo ng Pangulo na ngayon ay tinatawag ng mga dumadagsang testigo sa mga isinasagawang Quad Congressional Hearing na kriminal at pinakamasamang naging pangulo ng Pilipinas.

Hindi natin inaakusahan na masamang tao ang dating lider at iniidolo ng masang Pilipino, na ang ipinangakong “War on Drugs” ay sa halip na magbigay ng kapanatagan at katahimikan sa sambayanan ay nagdulot ng di mapapantayang kasamaang kaakibat ng mga nagawang karumal-dumal na krimen ng maraming PNP officials na nailuklok sa tungkulin ni Digong.

Marami ding krimen ang hindi naman natutukan o nabigyan ng malawakang pagsubaybay ng media na ang mga biktima ay mga personalidad na wala namang kinalaman sa kalakalan ng droga.

Isang halimbawa na lamang nito ay ang nangyaring pamamaslang sa isang prominenteng negosyante sa Batangas City na naging biktima ng likidasyon ng hinihinalang grupo ng “Davao Hit Squad”. Nanatiling tikom ang bibig, nagbulag-bulagan na lamang ang pamilya at kaanak ng mga naging biktima pagkat alam nilang ang utak ng krimen ay ang ilegalistang DDS na PNP colonel.



Kalat sa sirkulo ng underworld, sa hanay ng kapulisan lalo at maging sa PNP Region 4A at Batangas PNP Provincial Police Offices na ipinalikida ang naturang negosyante at ang isang matapat nitong tauhan ng DDS PNP colonel upang makamkam nito ang pinatatakbo ng mga biktimang operasyon ng paihi/ buriki, biyahe ng colorum van at illegal terminal na hanggang ngayon ay itinuturing na “golden eggs laying duck”sa Batangas City Pier, Brgy. Sta Clara.

Ang naturan din PNP colonel ay sinasabing naging superior officer nang ngayon ay Batangas PNP Provincial Director Col. Jacinto “Jack” Malinao Jr., at siya ring itinuturong “nagpahaba ng sungay” ng drug lord at tinataguriang Batangas City “Paihi/Buriki King” na si alyas Rico Mendoza at pekeng police Sgt. Buloy..

Si alyas Rico na isa ring DDS at lider ng hindi matibag-tibag ng kapulisan na sindikatong paihi/ buriki ng petroleum product at pasingaw ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ay nagkukuta sa kahabaan ng Bypass Road sa tapat ng Toyota Car Parking Area, Brgy. Banaba South, Batangas City.

Ngunit kahit na nagdudumilat ang katotohanan sa garapal na operasyon ni alyas Rico ay hindi naaaksyunan ang kailegalang pinaggagagawa nito nina PD Malinao Jr. at Batangas City Police Chief LtCol. Jephte Banderado.

Hinihinalang hindi lamang ilang mga police at NBI official ang protektor nina alyas Rico at ng mga tauhan nitong drug addict na armado ng baril, kundi maging ang ilang mga opisyales ng Brgy. Banaba South.

Iniuulat namang sina Col. Malinao Jr. at LtCol.Banderado ay kapwa naging tauhan ng scalawag na DDS kernel nang hawakan nito ang isang sensitibong tungkulin sa PNP Region 4A sa kapanahunan ng Duterte Administration, kaya hindi ng mga ito matibag ang operasyon ng paihi/buriki na prente din ng drug trade sa naturang lungsod.

Kung hindi pa alam nina PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil at Region 4A PNP Director BGen. Paul Kenneth Lucas, sina alyas Rico at DDS PNP colonel ang itinuturing na masamang punla na naitanim ng Pamahalaang Duterte na siyang nagiging dahilan sa pamamayagpag ng sindikatong paihi sa Batangas City. May karugtong…

***

Para sa komento: Cp. No. 0966406614