Advertisers

Advertisers

Metro Mayors: Paggamit, pagbebenta ng paputok para sa Bagong Taon ire-regulate

0 244

Advertisers

NAPAGKASUNDUAN ng Metro Manila Council (MMC) na i-regulate ang fireworks display para sa pagsalubong sa 2021 bunsod ng patuloy na COVID-19 pandemic.
Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez, chairman ng MMC, kailangang kumuha ng permit sa local government unit (LGU) kung gustong magsagawa ng fireworks display, kabilang ang mga nakatalaga nang community fireworks display.
Tanging mga may permit lang din mula sa LGU ang papayagang magbenta ng paputok, ani Olivarez.
Ayon kay Olivarez, kung dati’y puwedeng magtipon ang mga tao sa kung saan idaraos ang fireworks display, ngayo’y kailangan malayo na ito.
Hindi narin hinihikayat ang malalaking family reunion sa papalapit na Pasko at Bagong Taon.
Ipatutupad parin ang 12 a.m. hanggang 3 a.m. unified curfew sa Metro Manila upang magbigay-daan sa Simbang Gabi.
Bawal parin lumabas ang mga menor de edad, maliban sa essential trips tulad ng medical reasons.