Advertisers
PATAY ang isang obrero nang pagsasaksakin ng kanyang kasamahan sa trabaho nang magtalo tungkol sa ending ng basketball habang nag-iinuman sa Quezon City, Linggo ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Christopher Obispo, 31, ng Barangay Sta. Monica, Novaliches, Quezon City.
Nakatakas at pinaghahanap ngayon ang salarin na si Lenimark Nacion alyas Mac-Mac, 28, residente rin ng naturang barangay.
Sa report, 6:15 ng gabi nang maganap ang pananaksak sa biktima sa Lidia St., Aguardiente, Brgy. Sta. Monica.
Bago ang krimen ay masaya pang nag-iinuman ang dalawa nang magtalo sa ending ng 2nd quarter ng PBA game. Dinampot ni Nacion ang kutsilyo na nasa harapan nila at pinagsasaksak si Obispo ng ilang beses saka mabilis na tumakas.