Advertisers
Nasawi ang 16-anyos na lalaki nang martilyuhin sa ulo ng kuya sa isang lugar sa Barangay Fatima sa General Santos City nitong Linggo, October 13, 2024.
Malubha naman ang kalagayan ng ina ni Carcosia na si Elma Momay Carcosia, isang biyuda, na minartilyo din ng ilang ulit ng salarin na diumano parang baliw na at nanlilisik ang mga mata ng kanyang ginawa ang naturang krimen.
kinilala ang salarin na si Jessie Carcosia.
Sa report, naaresto naman kaagad si Carcosia ng mga barangay tanod at mga pulis na nag-responde sa insidente.
Nadeklarang dead on arrival ng mga doctor sa isang pagamutan kung saan dinala ng mga pulis ang nakakabatang kapatid ni Carcosia upang malapatan sana ng lunas.
Sinasabing may diperensya sa pag-iisip si Carcosia, minsan matino, minsan umaandar ang pagkakawala sa sarili, ayon sa mga kakilala.