Advertisers
MAY tanong: Kailangan na ba ng bagong kinatawan ang 2nd District ng Paranaque City — na maraming taon nang “saklot sa mga kamay” ng mag-asawang Gus at Joy Tambunting?
Tama bang magpalitan na lang ang mag-asawang ito sa puwesto sa Kamara na para bang sariling bahay nila ang Kongreso?
Malinaw, ginagawa na lang ng Tambunting couple ang distrito ng siyudad na family business, at ano ang naging pakinabang ng mga residente sa kanilang kuno ay serbisyo publiko?
Ang maliwanag, pamilya nila ang umasenso, ang umunlad, pero ang pinangakuang constituents, gumaang ba ang pamumuhay, umasenso ba tulad ng madalas na ipinapangako nila, kada eleksyon?
Hindi natin ito sasagutin, kasi alam na ng mga taga-2nd District ang sagot, kaya nga ang sigaw at naisin ng mga tao, palitan na, iba naman ang dapat na maging kinatawan nila sa Kamara.
At sa 2025, may pagkakataon na mangyari ito nang ialok ni Bicol Saro partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan ang sarili na kapalit ng mag-asawang ang “negosyo” ay politika, na sarili lamang nila ang may pakinabang.
Ang alok ni Rep. Yamsuan ay bagong Pag-asa (Hope) na nakita niyang kulang o konti lamang ang natitikmang gaang sa pamumuhay ng kadistrito.
Ano ito?: H.O.P.E. na kumakatawan sa matagal nang hinihintay ng mga taga-2nd District at ito ay — Health, Opportunities, Peace and Education (HOPE).
Teka, bakit ba kailangan pang kumandidatong regular na kongresista itong si Bicol Saro partylist Congressman Yamsuan at ialok ang sarili sa Paranaque residents.
Marami kasing kulang na serbisyo na ito ay ipinararating kay Cong. Brian at siya bilang kinatawan ng maliliit na sektor ng kababayan natin, nakinig, nakipagsalo sa mga hinaing at nagpasiya.
Kailangan nang tugunan ang mga naisin ng mga kababayan sa lungsod.
Kaya ito ang mensahe niya: “Hindi tayo pwedeng magbulag-bulagan sa maraming pagkukulang na nangyayari sa ating distrito kaya minarapat ko ng mag-file ng kandidatura bilang congressman ng second district.”
Kulang sa serbisyo sa Health (Kalusugan).
Kulang sa Oportunidad (Opportunities).
Kapos sa tulong sa Peace (Kapayapaan) at Education — na kailangang mapunuan ng serbisyong totoo at ito ang nais, gagawin, ibibigay ni Brian sa mga kababayan.
Mapaghamon ang kanyang sinabi sa kanyang supporters na ang HOPE na mantra ng kanyang serbisyo.
“Ako ang bahala sa bayan, basta kayo ang bahala kay Brian!”
Teka, ano-ano ba ang maipakikitang rekord ni Cong. Yamsuan para siya ang ipalit sa nakaupong kongresista na dating konsehal at dating vice mayor ng Paranaque?
Noon pa man, aktibo na sa pag-aabot ng malasakit sa kapwa si Brian, tulad ng Extra Rice Program para sa kapos na pamilya ng lungsod.
Para mailayo sa bisyo at mapalakas ang katawan at isipan ng mga kabataan, aktibo siya sa mga programa sa Sports.
Nakita ni Cong. Yamsuan, kulang sa atensiyong medikal ang mga barangay, kaya lagi may palibreng konsultasyon, pamimigay ng gamot at bitamina, palibreng ospital at operasyon sa may malulubhang sakit na inilalapit sa kanyang opisina.
Mahalaga ang edukasyon kaya lagi siyang may pamimigay ng mga kailangang gamit sa mga estudyante sa elementarya at high school.
Sa pamamagitan ng kanyang pagsisikap, nagagawang mai-release ang tulong pinansiyal sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) sa mga nais mag-umpisa ng munting ikabubuhay.
Yung mga kawani na kapos ang kita sa isang buwan, tumulong si Rep. Brian na maipamigay ang Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
Sa mga kinakapos sa kailangang tulong, sa pagsisikap ni Yamsuan ang mga biktima ng kalamidad, nasa gipit na sitwasyon na wala nang masulingang tulong, naipamigay ang pondo mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
At sa mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay, sinisikap palagi ni Cong. Brian na maipamigay ang Tulong Pang-Hanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa labor sector.
Dahil sa mga serbisyong ito, salamat sa pagkilala sa kanya bilang Outstanding Public Servant for 2023 by the RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).
At eto ang matindi, author at co-author si Rep. Brian sa 99 na panukalang batas at 146 na resolution na pinakikinabangan ng sambayanan.
Kaya tama lamang ang rekognisyon sa kanya ng RPMD na sinabi na natupad ni Cong. Brian ang tungkulin niya na sa kanyang personal na malasakit, naitaas niya ang kalidad ng serbisyong dala ng partylist sa madlangbayan.
Mga taga-2nd District ng Paranaque, kailangan na nga ng bago, ng mapagkalingang kinatawan kayo.
At umasa kayo, tutuparin ni Cong. Brian ang pangako niya — na siya ang bahala sa inyo, at kayo ang bahala sa kanya na iluklok sa Kongreso bilang kinatawan ninyo.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.