Advertisers

Advertisers

Mga abandonadong sasakyan, nadiskubre sa NAIA parking areas

0 22

Advertisers

Mahigit na 20 abandonadong sasakyan, kung saan ang ilan ay 2014 pa naroon, ang nadiskubre sa iba’t-ibang parking facilities sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Dahil diyan, ang bagong airport operator na New NAIA Infra Corp. (NNIC) ay gumagawa umano ng aksyon para tanggalin ang mga nasabing bilang ng sasakyan dahil sa posibleng panganib na dala nito at upang malibre ang espasyo na inookupa nito para sa mga biyahero.

Binibigyan ng NNIC ang mga may-ari ng sasakyan ng huling pagkakataon na kunin ang kanilang sasakyan bago pa nila ito tuluyang hilahin at i-impound.



“These abandoned vehicles are taking up space that should be available for passengers. They are also a security and safety concern, especially in their deteriorating states,” saad ng NNIC.

“We are waiving any applicable fees to encourage owners to reclaim them.” dagdag nito.

Hanggang ngayon ay tinitingnan pa ng NNIC ang lahat ng NAIA terminals at inaasahan na dadami pa ang bilang ng abandonadong sasakyan.

Ang mga may-ari ay kailangang magpakita ng proof of ownership at valid identification para mabawi ang sasakyan.

Matapos ang grace period, ang mga unclaimed vehicles ay ito- tow at i-impound sa government facilities.



Makikipagtulungan ang NNIC sa mga ahensya upang matiyak na ang mga sasakyan ay maaalagaan. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)