Advertisers

Advertisers

Ogie may asim pa; Sylvia masaya sa pagiging hands-on mom ni Ria

0 17

Advertisers

Ni Rommel Placente

AYON sa award-winning actress na si Sylvia Sanchez, magiging spoiled sa kanya ang baby nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Matagal na naman niyang sinasabi na talagang ibibigay niya raw ang lahat ng kakailanganin ng kanyang kauna-unahang apo.



“Ah, basta ganito lang, ang sinabi ko lang kay Zanjoe saka kay Ria kapag meron silang sasabihin sa akin, ‘Mommy bawal pakainin ng ice cream, ng chocolates ‘yung anak ko.’

“Huwag silang maniniwala ‘pag sinabi ko sa kanilang, ‘ay hindi ko pinakain’ dahil hindi totoo ‘yun. Kasinungalingan ‘yun,” sabi ni Ibyang na natatawa

“Ngayon pa lang, oo (spoiler na), pero siyempre tuturuan ko rin na bawal ‘yung ganito, kailangan ganu’n pero sa kanila Z ‘yan. Ayoko silang sagasaan diyan,” pahayag pa ng aktres.

Natanong din siya kung kumusta ang anak niyang si Ria bilang mommy, sey ng veteran actress mas maalaga raw ang aktres kesa sa kanya.

“Wala, siya talaga kahit may yaya, siya talaga,” sey pa ni Ibyang sa pagiging hands-on nanay ni Ria.



Kahit naman daw si Zanjoe ay isa ring hands-on tatay, “Isa pa ‘yun. Ayaw niyang every time na si Ria pupuntang clinic, magpapa-check up nu’ng buntis pa ayaw niya na hindi siya kasama.

“Sobra! Hands-on si Zanjoe sa asawa niya at sa anak niya. Hindi nga ako pwedeng sumama dahil siya nga. Eh, siya naman asawa. Hindi ko nga na-experience ‘yun,” dagdag pahayag pa ni Sylvia.

Sey pa niya, hindi talaga tumatanggap ng trabaho si Zanjoe kapag alam niyang may lakad o trabaho si Ria.

Sa tanong naman kung ano ang feeling ng pagiging lola sa kanyang first apo, ang sagot niya, “Masaya. Sa kanila ngayon ‘yung baby. Kasi ‘di ba nasa bahay nila. So, ngayon ‘yung baby nasa kanila. Sige sige, paglaki-laki niyan.”

***

SI Ogie Diaz ang host ng bagong show ng TV5 na Quizmosa, na mapapanood mula Lunes hanggang Sabado, 2:30pm after Eat Bulaga. Ang pilot episode nito ay sa October 21.

“Masaya ako kasi..sabi ko nga ito ‘yung tipo ng ano eh..nagba-vlog ako, alam ko kung kelan ako ga-graudate roon, sa vlogging. ‘Pag TV naman hindi mo alam kung kelan ka ga-graduate. Kasi yung vlog, hawak ko, eto hindi ko hawak,” sabi ni Ogie.

Patuloy niya,”Panibago na namang challenge sa buhay. Pero ang tagal ko na rin kasing ginagawa ito. Hindi ko naman siya sinasabing na-master ko na siya, inaaral ko pa rin. “Mahirap at challenging at the same time exciting.

Ngayong balik-telebisyon si Ogie, magbabalik din kaya siya sa paggawa ng teleserye? Marami na rin kasi siyang gawang teleserye before.

“Teleserye, definitely hindi! Nami-miss ko (ang paggawa ng serye), pero hindi na kaya ng katawan ko. Ang dami-dami ko nang ginagawa.

“Nagmi-maintain ako every other day ng vlog sa Ogie dIaz Showibiz Update. Pati ‘yung kelangan every 6 days naglalabas ng one on one interview ko sa isa ko pang vlog. Tapos ginagawa ko pa ito. Tapos may pamilya pa ako.

“Lima ‘yung mga anak ko. Kailangan ko ring asikasuhin, kailangan ko ring makausap, makamusta everyday.

“Kaya, hindi naman lahat ‘yung feeling mo kasi kaya mong gawin, sisingilin ka rin ng katawan mo balang araw. Kaya bina-balance ko lang muna.”

Hindi naman nagsasalita ng tapos si Papa O na hindi na ulit siya aarte sa harap ng kamera.

“Hindi naman. Bibigyan ko pa rin naman ng chance. Saka mahirap magsalita ng tapos.

“Pero ang nakakatuwa, may demands. Doon ako natutuwa na kahit hindi ko tanggapin ( offer sa teleserye), ilang beses na akong tumanggi.

“Alam mo yung may asim pa rin? ‘Yung katotohanang may asim ka pa rin, malaking bagay sa akin ‘yun.

“Hindi yung ‘hala wala nang nag-aalok sa akin. Wala na yatang may gusto sa akin. Laos na yata ako,” aniya pa.