Advertisers

Advertisers

LABING-APAT NA ORAS

0 38

Advertisers

UMABOT sa 14 oras ang pangsiyam na QuadComm public hearing sa Camara de Representante. Pinagtiyagaan ng mga mambabatas na tanungin ang mga resource person sa huling pagdinig ng QuadComm na binubuo ng apat na komite – human rights, illegal drugs, public accounts, at public order and safety. Hindi sila umaalis at madugo ang pagdinig noong Martes sa Camara.

Tampok sa pagdinig ang panawagan ni Leila de Lima, ang dating senadora na ipinakulong ni Gongdi ng pitong taon dahil sa mga pinagtagpi-tagpi at palpak na katibayan. Panawagan niya na muling bumalik ang Filipinas sa Rome Statute, ang tratado na bumuo sa International Criminal Court (ICC).

Hiningi de Lima ang pagrespeto sa RA 9851, ang lokal na batas na nagsasabing hindi maaaring talikuran ng Filipinas ang ICC kung sakaling hingin si Gongdi at mga kasapakat sa madugo pero nabigong war on drugs ni Gongdi.



Tampok sa pagdinig ang ilang opisyales ng PNP na sangkot umano sa madugo pero palpak na digmaan kontra droga ni Gongdi. Kakatwa ang sitwasyon kung saan sinasabon lagi ng mga mambabatas ang mga opisyal ng PNP. Walang ginawa ang mga opisyales sa mga maaanghang na salita ng mga mambabatas kundi lunukin ang laway ng kanilang pride.

Halatang-halata na walang respeto ang mga mambabatas sa mga opisyales. Pakiramdam nila na pawang tiwali at mamamatay tao ang mga opisyales na humarap sa kanila. Palaging paangil ang mga tanong at sa kaunting pagkakamali ay hayagan silang pinagagalitan.

Dahil wala silang natatanging galing kundi ang pumuksa ng mga kalaban-labang mamamayan, tinatanggap nila ang panlalait sa kanilang pagkatao. Halata nagsinungaling atnagpalusot sa maraming pagkakataon. Pumapel sila na mga tanga at makakalimutin kahit alam nila ang mga detalye at sagot sa mga tanong.

Inaprubahan rin ang mosyon na ipagpatuloy ang pagdinig ng QuadComm. Tinanggap ng mga mambabatas ang trabahong iniatang sa kanila ng sambayanan. Hindi nila pinansin ang tangka ng Senado na magdaos ng sariling pagdinig sa isyu ng war on drugs. Hindi sila huwad o tuwad.

***



Halaw ito sa Pilipinas Today, isang malayang website ng mga piling balita tungkol sa mga kumpisal sa pagdinig ng QuadComm. Pakibasa:

SINO si ‘MUKING’?

Sa isinagawang pagdinig ng House Quad Committee nitong nakaraang linggo, tinukoy ni Garma si “Muking” ay si Irmina Espino na naging tauhan ni Go sa Davao City Hall noong si Duterte ang alkalde ng lungsod. Nagtrabaho rin umano ito bilang assistant secretary ng si Go ay maging Special Assistant to the President noong nasa Malacañang na si Duterte.

Isiniwalat ni Garma na nakatatanggap ng reward ang mga pulis na nakakapatay ng drug suspects at nababawi ng mga pulis ang kanilang gastos sa operasyon kapag nakapagsampa ng kaso sa korte laban sa mga drug suspect.

Ikinuwento ni Garma na kinausap siya ni Duterte noong 2016 upang maghanap ng pulis na mangunguna sa kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot at si Leonardo, na kanyang upperclassmen sa PNP Academy ang kanyang ibinigay na pangalan.

“On the same day, a certain individual named ‘Muking’ contacted me by phone to request Leonardo’s contact details, which I promptly provided,” sabi ni Garma.

Sa pag-usisa ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez kinumpirma ni Garma na si Muking ay si Espino.Nagmosyon si Fernandez na ipatawag ng komite si Muking na inaprubahan ng overall chairman ng quad committee na si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.

“Comsec (Committee Secretariat), please coordinate with the PMS (Presidential Management Staff) and invite the name Muking,” atas ni Barbers.

Ayon kay Garma si Espino ang nagpapadala ng pera kay Peter Parungo, isang non-PNP personnel na siyang namamahala sa pondo na ibinibigay na reward sa mga pulis at pambayad sa kanilang mga gastusin sa operasyon.

Kuwento ni Garma, minsan ay nakita nito na nagkakamot ng ulo si Parungo at nang kanyang usisain ay dahil may pangamba ito na siya ay masita ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

“Naku ma’am baka ma-AMLC na ako kasi every week malalaking amount pumapasok,” sabi ni Parungo kay Garma.

“That’s where I learned na siya (Parungo) pala ang pinupuntahan ng pera (na nanggagaling kay Espino),” dagdag pa ni Garma.

Si Parungo ay mayroon umanong account sa Metrobank, BDO, at PS Bank.

***

MGA PILING SALITA: “A matter of personal policy: In all my posts I’d use Beijing’s old colonial name – Peking. Just how Chris Patten insulted China.” – PL,netizen, kritiko

“Vindication comes late. But it still comes. Let’s be glad that her vindication has come in her lifetime. NEWS: Former police officer Jovie Espenido retracts his testimony at the Senate during the Duterte administration against former Senator Leila de Lima for her alleged involvement in illegal drugs.” – PL, netizen, kritiko