Advertisers

Advertisers

Lovi naging inspirasyon si Coco sa pagpoprodyus

0 5

Advertisers

Ni Beth Gelena

MULI palang sumailalim si Angelica Panganiban sa major hip surgery.

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng aktres ang kanyang journey from the operation to her recovery.



Hindi naiwasan ni Angge ang maiyak habang kinukwento niya ang therapy na ginagawa sa kanya after suffering sa Avascular Necrosis.

Ayon sa aktres, tila nagdadalawang isip siya kung muli siyang sasalang sa surgery ngayong taon and her recovery process after the operation lalo na raw at wala na ang kanyang ina.

“Medyo kinakabahan ako dahil ito ay isang major operation na gagawin ko for the first time na wala na si mama sa buhay ko. So parang may kaba lang. Parang for the first time lang, wala kang nanay na… walang magpapakalma sa puso mo pero of course, lalaban tayo.”

Naging successful naman ang operasyon at physical therapy na lang siya to recover.

***



AYON kay Lovi Poe, na-inspire siyang mag-produce ng sariling pelikula dahil sa ama niyang si Da King at Coco Martin.

Pagbabahagi niya, naimpluwensiyahan siya ng kanyang ama na si Fernando Poe Jr., at Coco sa pagiging producer.

Nakita niya umano ang ama sa paggawa ng sariling pelikula at ideya. Ipinahayag din ng aktres na natutunan niya ang hands-on na istilo ni Coco sa pag-arte, pagsulat, at pagdidirek.

Sa pinakabagong episode ng Ogie Diaz Inspires, inilahad ni Supreme Actress Lovi kung paano siya naimpluwensiyahan ng kanyang ama na si Fernando Poe Jr., at ni Primetime King Coco Martin sa kanyang desisyon na maging producer.

Aniya, nakita niya mula sa kanyang ama ang paggawa ng sarili nitong mga pelikula, isang aspeto ng karera na naging malaking inspirasyon sa kanya.

Wika niya, “Actually, a lot, eh. Maybe my dad is one of those. Of course, I saw from him that he would produce his own stories. Because, he probably has many ideas that he wants to execute.”

Naging malaking impluwensya umano sa kanya si Coco.

“And of course Coco is also one. I was with him in ‘Batang Quiapo.’ I watch him how he handles everything. He’s wearing so many hats. He’s the actor, director, writer, producer. And it’s inspiring,” dagdag ng aktres.

Dahil sa dami ng ginagawa ni Coco sa produksyon, hindi naiwasan ni Lovi na tanungin kung nakakahanap pa ba ng oras matulog si Coco. Ibinahagi ni Lovi ang isang pagkakataon na nakita niyang natutulog si Coco habang sila ay nasa lounge bago bumiyahe papuntang Milan para sa ASAP.

Ang mga natutunan ng aktres mula sa ama at kay Coco ay naging mahalagang gabay sa paggawa ng kanyang sariling pelikula.