Advertisers

Advertisers

Kris ‘di susuko sa laban ng buhay

0 18

Advertisers

Ni Jimi Escala

HIGIT na hinahangaan ngayon si Kris Aquino dahil sa kanyang pahayag na wala raw sa bukabularyo niya ang sumuko sa kahit anong laban sa buhay.

Sa kabila ng hirap na kanyang pinagdaraanan, ipinangako ni Kris na hindi siya kailanman susuko na lumaban para magpagaling.



Kahit pagdating sa showbiz career niya ay ipinahayag din ni Kris na hindi niya ito tatalikuran.

May pangako siya ngayon sa publiko na magkakaroon siya ng television comeback sa ABS-CBN bago matapos ang taong 2024, huh!

“I promised myself BAWAL SUMUKO. I need a goal, something for all of us to look forward to #” post pa ni Kris.

Tungkol naman sa kanyang karamdaman ay nakahinga na nang maluwag si Kris dahil wala siyang colon cancer na naging dahilan ng pagkamatay ng inang former president Cory Aquino, huh!

***



NAKATAKDANG ilabas ng Metro Manila Development Authority ang remaining five (5) slots para sa 10 official entries sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) based on finished product.

Sa pagkakaalam namin ay mahigit sa 30 raw ang pelikulang isinumite para panoorin ng MMFF screening committee. Kumbaga, ganun kadami ang mga papanoorin nilang pelikula kaya dusa rin sila, maganda man o hindi ang inilahok ng mga movie producer na nagbabakasakali na makasama sa sampung MMFF entries, huh!

Siyempre makakasama ng remaining 5 ang unang limang official entries na pasok na, huh! Ang unang limang pasok na ay Ang The Kingdom, Green Bones, Strange Frequencies: Haunted Hospital, Himala: The Musical, at ang And The Breadwinner is…

Ilan sa umaasang makakapasok ay ang pelikulang Espantaho nina Lorna Tolentino at Judy Ann Santos, Untold ni Jodi Santa Maria, The Uninvited nina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre at marami pang iba.

It’s the 50th year of Metro Manila Film Festival at ang City of Manila ang sponsor local government unit.

May the best entry be selected! At sana lang Hindi ma papasukan ng pulitika lalo na ngayong papalapit na ang midterm election, huh!