Advertisers
Aabot sa 10 bahay ang apektado ng nangyaring landslide sa Zone 3, Barangay Burabod, sa bayan ng Albay nitong Miyerkoles ng hapon.
Ayon kay Audrey Reolo na siyang nakapag-video sa pangyayari, katitigil lamang ng malakas na pag-ulan ng magsimulang bumigay ang lupa at umagos ang putik mula sa mataas na lugar na nasa likod ng mga kabahayan.
Umabot ito sa mga nakahilerang bahay sa gilid ng highway.
Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente dahil nasa labas ang mga nakatira at una nang lumayo nang mapansin ang nagbabantang pagguho ng lupa.