Advertisers
Iba’t-ibang bahagi ng Batangas ang lubog pa rin sa malalim na baha at makakapal na putik dahil sa pag-ulang dala ng bagyong Kristine nitong Biyernes.
Sa Laurel, Batangas, sa video na kuha ng residenteng Hyde Gillyn Velasco ang lagpas-taong baha na lumamon sa isang truck.
Nakuhanan din ng video ang pagragasa ng baha sa Talisay, Batangas.
Ayon kay Talisay Municipal Administrator Alfred Anciado, 6 na bangkay ang narekober na sa Bgy. Sampaloc matapos rumagasa ang baha.
Maraming barangay pa rin ang hindi mapasok ng search and rescue team.
Samantala, may mga motorsiklo na hirap dumaan dahil sa makapal na putik sa kahabaan ng Lemery Highway matapos ang malakas na pag-ulan at pagbaha sa lugar.
Marami rin residente ang patuloy na nililikas dahil sa pag-ulang dala ni Kristine.
Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility si Kristine nitong Biyernes.
Ayon sa DSWD, tinatayang nasa higit 3 milyon ang taong naapektuhan ng bagyong Kristine sa buong bansa.